NASANAY TAYO na sinisisi ang puyat ng mga kabataan sa social networking sites gaya ng Facebook, Twitter, Instagram at Tumblr. Hanggang ngayon naman totoo pa rin ito pero may dumagdag na nga lang. Kasabay ng pagla-like ng DP ni crush at pag-stalk sa kaaway sa Facebook, pakikiuso sa trending topics with hashtags sa Twitter, pagna-nonstop blogging like a pro sa Tumblr at pag-upload ng selfie sa Instagram, dahilan na rin ng kapuyatan ng mga bagets ngayon ang pagma-marathon ng mga sikat na sikat sa atin na US TV Series.
Kung minsan, ang mga bagets pa ngayon ay inaabangan pa mismo ang orihinal na timeslot ng paboritong TV series sa cable channels, dahil nga ito ay galing sa US o ipinalalabas sa US, ano pa ba’ng aasahan natin? Malamang sa malamang magkaiba talaga ang timeslot dito sa ‘Pinas. ‘Yung iba naman na busy talaga kapag Lunes hanggang Biyernes at walang oras makapanood at ‘yung iba na ang technique ay sinasadyang hindi manood ng mga isa o hanggang dalawang linggo, ang ginagawa na lang nila, iniipon ang mga na-miss out na episodes, saka dina-download online para makapag-marathon sila ng Sabado hanggang Linggo.
Game of Thrones
Pangalan pa lang, nakaiintriga na! Sa mga ‘di nakaaalam, aakalain ang Game of Thrones bilang isang laro sa DoTA. Tunog laro man ito, panalo pa rin ito sa rating hindi lang sa US kundi pati dito abot ang Game of Thrones fever! Ang nasabing TV series ay isang American Fantasy Drama television series. Ito ay ginawa nina David Benioff at D.B. Weiss para talaga sa HBO channel. Ito ay isang adaptation ng Of a Song of Ice and Fire ni George R.R. Martin.
Ang Game of Thrones ay naka-attract ng milyun-milyong tagasubaybay sa buong mundo. Nakatanggap pa nga ito ng mga samu’t saring awards mula sa kabi-kabilang award giving bodies. Ang GoT ay naparangalan bilang Primetime Emmy Award Nomination for Outstanding Drama Series, Golden Globe Award Nomination for Best Television Series, Hugo Award for Best Dramatic Presentation at Peabody Award.
Ang plot ng storya ng GoT ay umiikot sa “violent dynastic struggles” ng mga noble families na lumalaban para makuha ang control ng Iron Throne. Kaya ito pumatok sa mga bagets dahil na rin sa element ng “fantasy” sa nasabing palabas.
How I Met Your Mother
Kahit nagtapos na ang huling episode ng How I Met Your Mother kamakailan lang, nag-iwan ito ng matinding marka sa mga manonood nito kaya naman usap-usapan pa rin ito hanggang ngayon. Ang HIMYM ay isang Sitcom Romantic Comedy Drama. Ito ay orihinal na pinalabas sa CBS channel mula Setyembre 19, 2005 hanggang Marso 31, 2014. Sinusubaybayan dito ang main character ni Ted Mosby at ang kanyang grupo ng kaibigan sa Manhattan. Bilang framing device, taong 2030, si Ted ay unti-unting isinisiwalat at ikinuwento sa kanyang mga anak ang mga pangyayari na nagtulak upang malaman kung paano niya nakilala ang kanilang ina. Kaya nga “How I Met Your Mother” ‘di ba?
Inabangan ito ng mga manonood dahil sa kakaibang misteryong bumabalot dito na hanggang sa ending nito, kahit ano pang subaybay nila rito, hindi pa rin nila nahulaan nang tama kung paano nga ba nakilala ang ina.
Sa halos 9 na taong pamamayagpag, nakatanggap na ang HIMYM ng 28 Emmy Awards, siyam dito ang kanilang napanalunan. Nanalo rin ito ilang People’s Choice Award for Favorite Network TV Comedy.
Usapang Bagets
By Ralph Tulfo