SABI SA linya ng kanta, “love is all we need”. Alam n’yo ba, madalas hindi ako sumasang-ayon dito, dahil hindi tayo mabubuhay ng pagmamahal lang. Kaya para sa akin, food is all we need.
Bakit? Mabubusog ka ba ng pagmamahal? Hindi. Kaya para sa mga bagets diyan na sang-ayon sa akin, hatid ko sa inyo ang bagong listahan ng mga bagong kabubukas lang na mga kainan sa Metro Manila! Nakapananabik ito dahil may bago na naman tayong dadayuhin upang mabusog kasama ang barkada.
- Cheddar Burst Burgers
Dinala na nga ng may-ari ng Cheddar Burst Burgers ang sarap at istilo ng American burger sa Marikina. Matatakam ka sa kanilang specialty na Juicy Lucy burgers. Sikat na sikat ang nasabing burger dahil sa signature stuffed cheese beef patty burgers nito. Kung hindi ka pa mabusog sa burger, mayroon din naman silang mga hinahanda na mga rice meals, pasta, cheese steaks, fries, at desserts. Kaya ano pa ang hinintay ninyo? Puntahan na ang Cheddar Burst Burgers sa Lilac St., Conception 2, Marikina City.
- Kazoku Japanese Restaurant
Kung sawa ka naman na sa American style dishes at gusto mo namang makatikim ng taste of Asia, Kazoku Japanese Restaurant na nga sa Maginhawa ang swak sa inyo. Kilala ang nasabing restaurant sa kanilang hinahaing mga authentic Japanese food gaya ng sushi, maki, at ramen sa sulit na sulit na halaga. Hindi ka na ba makapaghintay makatikim ng authentic Japanese food sa Metro Manila? Magpareserve na! Tumatanggap sila ng early reservations. Ang Kazoku Japanese restaurant ay matatagpuan sa Maginhawa Street, Quezon City.
- Equatorial Coffee
Kung gusto mo naman ng panibagong taste of urban third wave coffee shop, Equatorial Coffee na nga sa Katipunan ang bagay sa iyo. Specialty nila ang kape na nanggagaling sa Yardstick na extracted pa mismo sa La Marzocco Classic. Bukod dito, mayroon din silang all-day breakfast, pastas, at desserts. Puntahan na ang Equatorial Coffee sa F. Dela Rosa Street, Loyola Heights.
- Beyond Coffee
Kung trip n’yong mag-coffee shop pero nalalayuan kayo sa Katipunan bilang sa U-belt ang kinatatayuan ng paaralan n’yo, huwag nang mag-alala dahil sagot na ng Beyond Coffee ang cravings n’yo. Ito ay matatagpuan sa Sampaloc, Manila. Kilala sila sa pag-serve ng whimsical coffee na nasa mason jars at mga student price na comfort food. Mayroon din silang rice meals, pastas at cakes.
- Penny Lane Coffee
Kung nalalayuan pa rin kayo sa Sampaloc dahil taga-South kayo, sa Penny Lane kayo ay magtungo. Ito ay isang artsy at student-friendly cafe na dedicated sa The Beatles at mga iba pang magagaling na musicians noong mga nakaraang dekada. Kanilang sine-serve ang mga all-day breakfast, waffles, sandwiches, at ang specialty nila na espresso. Ito ay matatagpuan sa Aguirre Ave., BF Homes, Parañaque City.
Usapang Bagets
By Ralph Tulfo