HINDI NA NI-RENEW ng GMA 7 ang kontrata ni Aljur Abrenica pero nakita siya nu’ng Friday sa bakuran ng ABS-CBN 2. Ayon sa aming source, nag-go see raw ito para sa isang project. Ang tanong makapasa kaya sa audition?
Ayaw naman daw magdetalye ni Aljur at ang sabi lang ay napadaan lang.
Ngayon lang nakita ulit si Aljur pagkatapos manahimik at mabuntis ang kanyang girlfriend na si Kylie Padilla.
Pero ayon sa dati niyang ka-loveteam na si Kris Bernal, nakausap daw niya si Aljur kamakailan. Happy raw ito at itinuturing niyang bagong challenge sa buhay niya ang pagkakaroon ngayon ng mabigat na responsibilidad.
“Hindi siya nagsisi kasi sabi niya sa akin talagang mahal na mahal niya si Kylie. So,talagang kung gagawa rin siya ng pamilya, at gusto niyang makasama forever, sinabi niya it’s really Kylie naman talaga.” kuwento ng “Impostora” star na magsisimula ngayong July 3 sa GMA Afternoon Prime.
Natatawa na lang si Kris Bernal pag tinatanong kung hindi ba niya iniyakan ang dating ka-loveteam na si Aljur Abrenica?
‘Ano ba yun ? Ha!ha!ha! Eversince naman wala naman kaming in-admit ni AJ, na naging kami or something romantic,” pakli niya.
Talbog!
~0~
MARC CUBALES, MAY INTERNATIONAL MOVIE
AKTIBO NA NAMAN sa showbiz ang kilalang businessman, model, show producer at singer na si Marc Cubales. Sinubukan naman niya ang pag-arte. Nag-start na ang shooting ng ginagawa niyang international movie na ang tentative title ay The Syndicates. Hindi lang sa Pilipinas kukunan kundi pati sa Vietnam.
Young gay Twinkish ang role niya na part ng sindikato at anak ng influencial family sa Philippines. Maikli lang ang role ni Marc pero challenging ito sa kanya at iba naman sa regular niyang ginagawa.
“I want people to see a different Marc this time. ‘Yun mas daring at palaban kaya kinarer ko na rin ang pagpapaganda ng katawan,” deklara niya na seryoso talaga sa pagda-diet.
Plano rin niyang ituloy ang pagkanta at tapusin ang kanyang album. Kahit digital album ay okey sa kanya dahil ‘yun naman ang in.Naghahanap daw siya ng composers at mga awitin na puwede niyang i-revive.
Pati pagtaatayo ng restaurant ay ika-career na ni Marc Magbubukas siya ng restaurant sa Eastwood at BGC na mixed of fusion at old British pub ang ambiance.
Kilala ring pilantropo si Marc sa kanilang lugar sa San Mateo, Rizal. Tuloy pa rin ang charity works niya kahit abala na naman siya sa showbiz. Masarap daw kasi ang pakiramdam na nakatutulong sa kapwa.
Boom!
‘Yan Tayo,eh!
By Roldan Castro