NARAMDAMAN ni Gil Cuerva ang kakaibang suporta ng mga fans sa kanya sa ginanap na GMA Artist Center Fans’ Day kamakailan.
Kahit na raw nakailang beses na siyang lumibot sa mga mall shows at regional events para sa serye nila ni Jennylyn Mercado na “My Love From the Star”, kakaiba raw ang feeling niya noong makasalamuha ang mga tagasuporta niya sa Fans’ Day.
“Sobrang thankful talaga na ang lakas ng support na galing sa mga fans. Before ako nag-enter sa showbiz, hindi ko in-expect na ganito pala kalakas ang magiging support sa akin, lalong-lalo na baguhan pa lang ako. Unexpected, but at the same time ay very much appreciated,” sambit ni Gil.
~0~
‘GULONG NG PALAD,’ GAGAWING MILLENNIAL MOVIE
Mula sa matagumpay na “Mang Kepweng Returns” ng Cineko Productions at katatapos i-shoot na “Bes and The Beshies” ni Ai Ai Delas Alas, isa na namang makabuluhan at kaabang-abang ang ihahandog ng Cineko. Ito’y ang “Gulong Ng Palad”.
Ang seryeng ito ay tumatak si Peping bilang si Romnick Sarmenta nu’ng bata pa.
Sino ba ang hindi makakalimot sa mga pangalang Luisa, Carding, Menang, Idad, Nene, mimi, Totoy at iba pang karakter na napalapit sa puso ng mga Pinoy.
Sa orihinal na panulat ni Ms. Loida Virina ay nakaukit na sa damdamin ng bawat Pilipino ang pagsusumikap at pagtitiis ni Idad para sa kanyang pamilya, ang pagmamalupit ni Menang sa pamilya Santos at ang wagas na pagmamahalan nina Luisa at Carding.
Muling matutunghayan ngayon sa mga sinehan ang “Gulang ng Palad” sa direksyon ni Laurice Guillen. Ang pattern nila ay mula sa obra ni Laurice na “Tanging Yaman” na tumatalakay sa pamilya.
Magiging millennial din ang approach ng movie at sequel ng “Gulang ng Palad” ang mangyayari .
Ang kumpletong listahan ng mga artista na gaganap sa “Gulong Ng Palad” ng Cineko Productions ay hindi pa nila nire-reveal. Hinihintay muna nilang matapos ang script bago kumuha ng cast na nababagay sa pelikula.
‘Yan Tayo,eh!
By Roldan Castro