NAHALAL NA ang bagong pamunuan ng Philippine Movie Press Club (PMPC). Naganap ang halalan noong January 8, 2021 sa opisina ng club sa Roces Avenue, Quezon City.
Ang entertainment editor ng Abante Tonite na si Roldan Castro ang 2021 PMPC President. Ito ang pangatlong beses niyang panalo. Una siyang naging presidente noong 2009 at nasundan ito noong 2012.
“Challenging ang pamumuno ngayong pandemya kaya sana ay sama-sama at magkaisa sa pagtataguyod ng club,” sabi ng bagong halal na Pangulo ng PMPC. Bukod kay Roldan ang mga bagong officer ng PMPC ay kinabibilangan nina Fernan de Guzman bilang Vice President, Mell Navarro bilang Secretary at Mildred Bacud bilang Assistant Secretary. Si Boy Romero pa rin ang Treasurer ng club habang Assistant Treasurer naman si Lourdes Fabian.
Si John Fontanilla naman ang Auditor at nahalal namang PRO sina Rodel Fernando at Leony Garcia. Ang Board of Directors ay binubuo naman nina Sandy Mariano, Joe Barrameda, Eric Borromeo, Timmy Basil, Rommel Placente at Francis Simeon.
Sa bagong pamunuang ito, ay hinahangad ng PMPC ang lalo pang pagkakaisa at pagtutulungan para sa ikauunlad ng club. Asahan na rin ang mga makabuluhang proyekto na isasakatuparan ng naturang samahan. Nakatakda namang ianunsiyo sa mga darating na araw ang Panunumpa sa tungkulin ng mga bagong opisyales.