CALL HER the “Pasa Queen”. Bugbug sarado ba naman siya sa kanyang mga eksena at kawawa ang katawan niya.
Ang tinuturing namin ay no less than na si Donnalyn Bartolome na ang petite built niya ay “biktima ng mga pasa at bruises” sa mga pelikula niya tulad sa newest crime-rape movie based on real life incident tungkol sa controversial rape and murder case ng magkapatid na sina Jacqueline at ni Marijoy Chiong sa Cebu noong 1997.
Sa unang directorial job ni Ysabelle Peach, professional name na gamit ni Ysabelle Peach Caparas (anak nina Direk Carlo J. Caparas at movie producer na si Donna Villa). Hindi maiiwasan na mabugbog ang maliit na pangangatawan ni Donnalyn dahil anim ba naman na malalaking mga boys ang re-rape sa kanya sa eksena.
Sa pelikulang “Jacqueline Comes Home (The Chiong Story), unang pelikula ni Donnalyn ito kung saan isa siyang rape victim.
After nga daw ng eksena, sobrang sakit ng katawan niya. “It took me days before I recover,” natatawang kuwento niya last Friday luncheon presscon ng pelikula.
Kung maaalala pa, the last movie ni Donnalyn was “Cry No Fear” ni Direk Richard Somes kung saan “harassment to the first degree” ang role din niya with Ella Cruz kung saan nilooban sila ng mga intruders na gusto sila patayin.
Bukas na, Wedesday, July 18 ang showing ng pelikula.
Reyted K
By RK Villacorta