Bagong pelikula ng Iglesia ni Cristo na “Guerrero”, mapapanood na!

Direk Carlo with his stars Genesis Gomez and Joyselle Cabanlong

HINDI MALINAW ang imbitasyon sa akin ng kaibigang Rodel Fernando. May pa- premiere night siya para sa isang pelikula.

 
“Tungkol sa saan?” tanong ko. “Tungkol sa isang boxer,” mensahe niya sa text.
 
Noong una, akala ko ay one of those films lang na kuwento na tipong pa-Manny Pacquiao na alam mo na iti-TH (trying hard) lang ng kung sino para magkapangalan.
 
Nang tanungin ko si Rodel kung sinu-sino ang mga artista na pwede interbyuhin after the event ay hindi na siya nag-reply sa amin.
 
Ang pelikulang “Guerrero” pala yong pa-premiere niya na produced ng EBC Films na sister company ng Eagle Broadcasting Corporation (Radyo Aguila) na isa sa mga media platforms ng INC (Iglesia ni Cristo) kasama ang Net 21(telebisyon) at ang Music FM station ng INC na Pinas FM 95.5,  na solid OPM na nagpo-promote ng mga Pinoy music.
 
Hindi ito ang unang film production ng EBC. Nauna  na ang pelikulang “ Walang Take Two” na dinirek ni Carlo Ortegas Cuevas na nakakuha ng  award as Best Director in  Foreign Language sa International Filmmaker Festival of World Cinema and Best Newcomer Filmmaker of the Year at the World Film Awards na ginanap sa Jakarta, Indonesia.
 
Bida sa kuwento ni Guerrero ang indie film actor na si Genesis Gomez playing the role of Ramon Guerrero na isang promising boxer na kahit palaging talunan sa kanyang bout ay umaasa pa rin na manalo. Ang magaling na bagets named Julio Cesar Sabenorio na gumaganap as Ramon’s makulit but bubbly brother na si Miguel.
 
Kuwento ng magkapatid na Ramon at Miguel ang Guerrero na maganda ang redeeming value ng pelikula.
 
Mayroong promise si Direk Carlo sa bagong obra niya na naka-schedule ipapalabas sa 57 cinemas nationwide sa darating na November 12.
 
Cast of the movie ‘Guerrero’

As an indie film director, wish ni Direk Carlo: “Kung ako ang tatanungin, mas okay sana kung wala nang branding na indie-mainstream. Kumbaga, pelikulang Pilipino!

 
“Kung sinuman ang nag-produce niyan, mapa-big budget man ‘yan, ang brand, pelikulang Pilipino. Quality film,” paliwanag niya during the open forum after the film screening.
 
Sa totoo lang, impressive ang napagdaanan ng unang pelikula ni Direk Carlo na sana ay gayon din ang mararating at maabot ng pelikulang Guerrero kung saan nakipagsabayan sa mga malalaking pelikula niya unang film niya.
 
Sa mga nagtatanong ng  background ni Direk Carlo ay graduate siya ng kursong Communication Arts at naging director sa telebisyon tulad ng Krusada, Pinoy True Stories, May Puhunan at Mission Possible na host sina Karen Davila at Julius Babao respectively.
 
 

Reyted K
By RK Villacorta

Previous articleTHE TALENTED LADIES: Why Alessandra de Rossi and Barbie Forteza deserves our support
Next articleGinebra San Miguel unveils Myrtle as the 2018 Calendar Girl and GSM Blue Endorser – with Sexy Calendar Photos!

No posts to display