TILA tuluy-tuloy na ang bagong show ni Kris Aquino sa GMA. Yes, blocktimer ang producer ng show ni Tetay na pinamagatang “Trip ni Kris” which I find very interesting lalo pa’t familiar ako sa mga places na pinuntahan niya to do some stories.
Nand’yan ang Bongabong, Nueva Ecija na kilala sa kanilang mga tanim na sibuyas. Ang Science City of Muñoz is just less than 30 minutes from our place, kung saan matatagpuan ang Central Luzon State University (CLSU). Maraming kaibigan ko ang graduate ng agriculture or veterinary courses, kung saan kilala ang pamantasan.
Ang show ni Tetay na originally ay ipalalabas sana ngayong March 26, na-move na sa darating na Apil 9, Linggo ng Palaspas, pagkatapos ng programa ni Jessica Soho, at malamang ay makatatapat ng show naman ni Vice Ganda na “Gandang Gabi Vice” sa ABS-CBN.
Nope, walang intriga kung magkatapat man ang programa ng mag-bestfriend (Kris at Vice) dahil gusto ng komedyante na magkaroon na rin ng katuparan ang show ng kanyang kaibigan na matagal nang inaasam-asam ni Tetay na makabalik sa telebisyon.
One shot deal muna ang kakaibang travel show ni Tetay tulad ng unang napabalita, kaya no isyu tungkol sa “rivalry” ng magkaibigan.
Excited ako. Kahit imbiyerna ako sa ilang mga diskarte ni Tetay sa lovelife niya, aminado ako na isang Kris Aquino fan ako ng kanyang mga show.
Good luck, Tetay!