EXCITED PA man din ako na makita si Megastar Sharon Cuneta at Ogie Alcasid sa bagong show nila last Sunday. Gusto ko sila as a performer at lalo na kay Ogie na isang songwriter.
Pero waley, hindi ako na-impressed sa premier telecast ng show nila noong Linggo ng gabi.
I was expecting that my Sunday will be never the same again with Sharon and Ogie’s show sa istasyon sa Novaliches na malapit sa palengke ng Sauyo na paga-ari ni Manny V. Pangilinan.
But to my dismay, nabigla ako sa sinasabi ng Entertainment Division ng istasyon na bongga ang pagbabalik ni Mega sa kanila.
Tila nagkamali sila. Seeing a tsipipay set na very 80’s in red na tila hiniram sa isang ex-deal store sa natutulog na tindahan sa may Avenida Rizal na sinamahan pa ng isang cheap water garden on the side, usap-usapan sa Facebook ang opinion ng mga entertainment writer na nadismaya sa palabas.
I love both Sharon and Ogie. I respect their talent pero parang mali na naman ang mga sinasabing creative people ng istayon na inilagay nila sa show.
Una, katsipan ang concept ng headwriter. Mas cheap ang production design na tuloy topic ang “red sofa” na feeling ng mga writer ay hiniram sa Master Showman “Walang Tulugan” ni Kuya Germs (Moreno).
Ang lighting, feeling ko nanonood ako sa PTV 4 na pati ang camera shots ay hindi dinisenyo at pinaghandaan nang mabuti.
In short, I was watching a “new” show pero in reality an old show with just a new title. In short, pinabango na luma at panis ang laman.
Sayang ang guesting ni Charice Pempengco and lover Alyssa. Galing ni Charice. I was expecting na may production number ang mga hosts with Charice.
Sandamakmak ang guest na sayang ang pagkakataon na tuloy nagmukhang musical variety show na ginawang chopsuey ang premiere telecast.
Okey sa amin ang jamming ni Sharon at Ogie. Oks din ang mga trivia na isinisingit nila in between.
Pero tama na ang pag-feature ng mga aspiring singers at sa mga talent competition shows na lang nila isaksak ang gayong segment.
Focus on the talent of Sharon and Ogie and their guest. Enough with cheap creativity. Bigyan n’yo naman ng class, style na aura ang show ng dalawa dahil hindi naman mga basta-basta singer ang dalawa.
Nagtataka lang ako kung pinanood ng “creative team” na utak-bubuli ang show bago nila i-telecast. Malamang ay hindi dahil kung ang mga totoong reviewer o devil’s advocate ng istasyon ni MVP ay magsasalita ng totoo, hindi makapapasa ‘yun sa panlasa ng totoong may malasakit sa palabas.
I’m hoping that my Sunday TV viewing will be different sa darating na Sunday at may pagbabago. Sinasayang nila ang talent nina Sharon at Ogie.
KALOKA ANG GMA-7 sa trailer ng bago nilang palabas na pagbibidahan nina Aljur Abrenica at Kris Bernal.
Hindi ba napanood man lang ng mga “creative staff” (heto na naman ang mga utak-bubuli) ng Kapuso Network ang mga kalabang shows nila sa Kapamilya Network para masilip kung anong meron ang kabila as part of the spy war sa industriya?
Sa Got To Believe nina Daniel Padilla at Kathryn Bernado, nahulugan kunwari ng sala-salabat na mga bakal si Daniel na nag-say ng “sorry po” si Kathryn in a bagets way na tatak very Kathryn.
Sa bagong palabas nina Aljur at Kris, heto’t inulit na naman nila ang the same “peg” of saying sorry.
Sa edad ni Kris na ‘di hamak na mas matanda kaysa kay Kathryn, hindi na bagay sa kanya ang mga ganu’ng linya. Hindi na siya debutante para magpa-cute.
Nangopya na sa dalawang bagets, sablay pa. Kalurkey, huh!
Wala na bang originality at creativity ang mga tao sa industriyang ito mula sa istasyon ng telebisyon sa may MRT sa Timog at doon sa istasyon na lampas sa palengke ng Sauyo sa Novaliches?
Reyted K
By RK VillaCorta