ANG ATE ko po ay pina-ngakuan ng isang ahensiya na ipa-
kakasal siya sa isang Koreano para mabilis siyang makapasok sa bansang iyon. Kaya lang, sinisingil siya ng P100,000. Sabi ng kapatid ko ay marami nang gumagawa nito at nakalulusot naman. Legal po ba ito? — Jeremy ng Quezon City
PAG-INGATIN MO ang ate mo. Iyan ang bagong modus operandi ng mga human trafficker ngayon.
Kamakailan ay may nasabat ang Bureau of Immigration sa airport na mga Pinay na papaalis patungo sa Korea. Nang tingnan ang kanilang passport, may tatak itong fiancee visa at may timbre ng Commission on Filipinos Overseas. Nang imbestigahan pa ng mga taga-Immigration ang mga Pinay na ito, lumalabas na peke at kasal-kasalan lang ang nangyari at ‘di man nila nakilala ang Koreanong kanilang pinakasalan. Pero nakapagbayad na sila nang malaki.
Ang tunay pala nilang plano ay magtrabaho roon sa Korea pero nahihirapan silang kumuha ng work permit. Sa pagpatol sa ganitong modus operandi, na-ging biktima sila ng human trafficking.
LIBRENG PAYO SA OFW! I-TEXT N’YO AT SASAGUTIN KO! PM <space> saklolaw <space> ang inyong katanungan at i-send sa 2948 (for Globe, Smart and Sun users). E-mail: [email protected].
Ayuda sa OFW
By Ome Candazo