Bagong Taon, Bagong Pag-asa at Kahilingan

BAGONG TAON ay bagong pag-asa, bagong kahilingan, mga bagong pamamaraan at creative ideas upang mapaunlad ang kalakaran ng ating buhay. Ang 2013 ay mas lalong makabagong panahon. Cyberspace na ang dating natin. May mga magulang na nagtataka at nagtatanong sa mga kabataan ngayon at ayaw pumayag sa mga pamamaraang makabago. Pero ito ay talagang mangyayari, maaaring mahati ang mga paniniwala ng isang magulang laban sa anak kung hindi natin mapag-aaralan ang kanilang nakatakdang panahon.

Mas highly technological age na tayo, kaya kailangan ay open tayo sa ganitong aspeto. Hindi man natin masabayan at least ay over 50% ang approach natin sa ating anak. Halimbawa sa computer, kailangang may alam tayo at para masasabi nating, “Sige maglaro ka ng games sa computer, ng flash games at RPG. Huwag ka lang maging addict dito at may time management para sa pag-aaral.” At iba pang maaaring ruling sa loob at labas ng bahay.

MGA PAMAHIIN: ANG MGA PANGAKO AT DAAN

SA PAGPASOK ng 2013, may mga New Year’s resolution tayo na magpapabago sa anumang aspeto ng ating buhay. Pero anuman ang mga ito, basta sana lang ay mag-e-exist ito sa positibong pamamaraan at makatutulong ito sa material world ng tao at huwag mawala nang tuluyan ang ating paniniwala sa May Likha.

Maikli lamang ang buhay ng tao, parang ginto itong pinahahalagahan o higit pa rito, magka-edad ka lang ng 50 plus, tila hinahanap mo na ang paglubog ng liwanag at pagsikat ng bukang-liwayway. Parang gusto mo nang paghandaan kung sakaling aalis ka sa mundong ibabaw, saan ka na pupunta? Naaalala mo ang iyong mga nakaraan at mga mahal sa buhay.

Minsan matatawa ka na lang sa mga kalokohan mo at ng iyong mga kaibigan at kaaway, paunti-unti mo na itong babalikan. Parang gusto mong sabihing may daan kaya ako sa kung saan man ang itaas ng sinasabing langit? May puwang kaya ako? Uhum, kung naiisip mo ito, ‘wag mong ipagtaka ito, tiyak may puwang ka sa Itaas. Pero hindi man ito ganoon kadali ay dapat mong hanapin ito, dahil ito ang daan kung saan ang tunay na director ng lumang panahon at ng makabagong siyensya at walang iba kundi ito ang Creator.

Ano man ang naging destino at posisyon natin sa lupang ibabaw, makapangyarihan man tayo, naging mayaman tayo sa ano mang paraan, naging mahusay man tayong businessman, tiyak kailangang mag-invest ka rin sa totoong destinasyon na pupuntahan mo.

‘Ika nga sa salitang kabanalan, mag-impok ka ng yaman na hindi tinatanga at hindi ninanakaw.  ‘Pag sinabing kaligtasan eh, malalim ito tiyak, malalim na pag-iisip, malalim na preparasyon na dapat nating pag-isipan. Sinasabi ring kung sino mang nanampalataya, ‘yun ang maliligtas. Hindi ng relihiyon kundi ang tunay na pakikipag-ugnayan natin sa katotohanan na siyang nagpapalaya sa ating pagkaalipin sa daigdig ng kasalanan.

Para tayong isang manlalakbay at mandaragat sa daigdig na ito upang masubok natin ang ating sariling kakayahan. Sino man tayo, anuman ang katayuan sa buhay, iisa lamang tayong tao, may hangganan ang ating buhay. Ipagpasalamat natin sa May Likha kung isa tayo sa isinilang na may kakayahan nang higit sa iba o mayaman nang higit sa iba at mas may kapangyarihan nang higit sa iba. Dahil may mga bagay na hindi mahirap sa atin na maglakbay sa mundong ito.

Subalit tandaang hiram lang natin ang lahat ng ito. Isang araw, nakatakdang isauli natin sa lupa ang lahat ng ating naipundar sa buhay. Tiyak ang baon naman natin sa ating pag-alis ang ating naimpok na katotohanan na siyang visa natin sa Itaas. Maaaring tanungin nga tayo, ano ang mga ginawa mo sa lupa?

Ito ang larawan sa canvas ni Maestro Orobia. For comments and suggestions: email. [email protected]; cp#.  09301457621

 

Larawan sa Canvas

By Maestro Orobia

Previous articleDerek Ramsay, nagkamali sa desisyong lumipat sa Singko?
Next articleAng importante kumita ang kanilang movie
Kris Aquino, walang paki sa award-award!

No posts to display