BLIND ITEM: SA mga madalas makakita sa isang gay TV executive (TVE) na ito at isang male showbiz upstart (MSU), manhid na lang ang hindi lulundag sa konklusyon na meron silang relasyon.
Kuwento ng aming source: “Si MSU, produkto ng isang artista search, bale ka-batch niya ‘yung medyo sikat na ring aktor na nabigyan ng solo project ng istasyon.” Nang banggitin nito sa amin ang pangalan, the MSU’s name still hardly rang a bell, kaya we fished for further description.
“Galing siya sa isang parte ng Maynila, in fairness, may hitsura. Kung ide-develop lang siya, mas mukha pa siyang artistahin kesa du’n sa batchmate niya na tinukoy ko na banong umarte, maganda lang ang katawan.”
Next info please.
“Pero noon pa man daw sa lugar nila, pumapatol na siya sa mga bakla. Eh, lapitin nga siya ng mga bading dahil guwapo siya. For a while, nawala siya sa circulation, nagulat na lang ako kasi madalas na siyang nakikitang karay-karay ni TVE. Ano pa ba naman ang puwede mong isipin, eh, ‘di dyinowa na si MSU ni TVE?!”
Bago? Kung tutuusin, luma na ang mga kuwentong relasyon involving gay TV bosses and network ta-lents. Kung discreet naman ang mga affair na ‘yon, lalo’t hindi nakaaapekto sa kanilang trabaho, let them be. Call it symbiotic relationship, one needs the other, and vice versa to survive.
Sino si TVE at si MSU? Having taught Literature for three years, let me assign literary characters to their identities. Respectively, tawagin na lang natin ang alleged lovers na ito na sina Ali Baba at Don Quixote.
SA TULAD NAMING turning half a century next year, isang welcome news ang panukalang batas na pursigidong isinusulong ngayon ni Senator Bong Revilla sa Mataas na Kapulungan bilang karagdagang probisyon sa Senior Citizens Act.
Sa Senate Bill 2940 authored by the actor-politician, ibibilang na rin sa mga senior citizen ang mga mamamayang aabot sa edad na 55 – and in my case – this will come about barely six years from now. However, unlike those aged 60 years old and above who enjoy 20% off in medications, travel expenses, etc., ang mga pasok sa edad na 55 can avail of half the privilege.
Not bad.
Katuwiran ni Bong, kaila-ngang amyendahan ang batas na sumasaklaw sa ating mga may-edad nang mamamayan bilang tugon sa nagbabagong panahon at pangangailangan ng mga ito.
Correct me if I’m wrong, PAO Chief Persida Rueda-Acosta, in most, if not all offices – whether government or private – once an employee reaches the age of 55, he or she can already avail of voluntary retirement without having to count five more back-breaking years.
While people this age are still armed, perhaps not as much with the same level of energy compared to their younger years ay may tamang panahon din to slow down on work. Kung nagtapos nga naman sila ng kolehiyo sa edad na 20, at nakapagtrabaho soon after ay hindi na masama ang ginugol nilang 30 or so years on surviving.
From LEARNING to EARNING, it’s about time they looked forward to YEARNING.
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III