SA MGA MADALAS makakita sa isang gay TV executive (TVE) na ito at isang male showbiz upstart (MSU), manhid na lang ang hindi lulundag sa konklusyon na meron silang relasyon.
Kuwento ng aming source: “Si MSU, produkto ng isang artista search, bale ka-batch niya ‘yung medyo sikat na ring aktor na nabigyan ng solo project ng istasyon.” Nang banggitin nito sa amin ang pangalan, the MSU’s name still hardly rang a bell, kaya we fished for further description.
“Galing siya sa isang parte ng Maynila, in fairness, may hitsura. Kung ide-develop lang siya, mas mukha pa siyang artistahin kesa du’n sa batchmate niya na tinukoy ko na banong umarte, maganda lang ang katawan.”
Next info please.
“Pero noon pa man daw sa lugar nila, pumapatol na siya sa mga bakla. Eh, lapitin nga siya ng mga bading dahil guwapo siya. For a while, nawala siya sa circulation, nagulat na lang ako kasi madalas na siyang nakikitang karay-karay ni TVE. Ano pa ba naman ang puwede mong isipin, eh, ‘di dyinowa na si MSU ni TVE?!”
Bago? Kung tutuusin, luma na ang mga kuwentong relasyon involving gay TV bosses and network talents. Kung discreet naman ang mga affair na ‘yon, lalo’t hindi nakaaapekto sa kanilang trabaho, let them be. Call it symbiotic relationship, one needs the other, and vice versa to survive.
Sino si TVE at si MSU? Having taught Literature for three years, let me assign literary characters to their identities. Respectively, tawagin na lang natin ang alleged lovers na ito na sina Ali Baba at Don Quixote.
(By Ronnie Carrasco III)