SIPAT: HINDI naman daw nag-WALKOUT si RUFFA GUTIERREZ sa THE BUZZ. Dahil daw sa KAIIYAK niya, e, PUMANGET na ang MAKE-UP niya, kaya UMUWI na lang siya.
EKLAT: At PINAUWI na ni ANNABELLE RAMA para MAINTERBYU si BISAYA ng SHOWBIZ CENTRAL.
SIPAT: So, HINDI TOTOO na NAPIKON si RUFFA sa PAMBABARA raw ni KRIS AQUINO?
EKLAT: BUKING tuloy ang GIMMICK ni ANNABELLE?
SIPAT: Nag-SORRY na si TETAY. TINANGGAP ‘yon ni RUFFING…
EKLAT: WALA na uli sa LIMELIGHT si BISAYA.
SIPAT: Sey ni KRIS na 70% ang NAKAKAPANOOD sa kanya sa THE BUZZ hanggang sa LAOAG.
EKLAT: Uy, MALINAW naman ang SIGNAL ng TV5… sa NOVALICHES AREA!
SIPAT: May THE FILIPINO CHANNEL pa ang ABS-CBN, kaya hanggang ABROAD, e, MAPAPANOOD si TETAY.
EKLAT: Bakit, nagre-REPLAY naman ang TV5 ng SHOWS nila. Kaya MAPAPANOOD pa rin si RUFFA kung sakali.
SIPAT: Teka, HINDI kaya ang IKINAPIKON talaga ni RUFFA, e, ‘yung TOPIC na JOHN LLOYD CRUZ at SHAINA MAGDAYAO?
EKLAT: PUWEDE!
SIPAT: KAILANGAN pa raw IKUMPIRMA ng mga LAB TESTS kung BUNTIS na si JUDY ANN SANTOS, sey ni RYAN AGONCILLO.
EKLAT: SIMPLENG TEST lang ‘yan, RYAN. MATAKAW na ba si JUDAY sa ‘LAHAT’ ng BAGAY?
SIPAT: MAGSASAMA raw sa isang TELESERYE sina PATRICK GARCIA at JENNYLYN MERCADO?
EKLAT: PUMAYAG na sana si JENNYLYN. MALAKI na naman si ALEX JAZZ, e. PUWEDE nang SUNDAN!
SIPAT: IDINENAY ni GERALD ANDERSON na MADALAS TUMAMBAY sa BAHAY niya si JENNYLYN.
EKLAT: BAKIT naman niya AAMININ? MAGAGALIT ang KIMERALD!
SIPAT: UMAARANGKADA sa RATING ang THE LAST PRINCE.
EKLAT: NAKAKITA na kaya ng PUWEDENG IPALIT sa LOVETEAM nina DINGDONG DANTEST at MARIAN RIVERA?
SIPAT: In fairness, KAKAKILIG ang LOVETEAM nina ALJUR ABRENICA at KRIS BERNAL.
EKLAT: ‘Wag lang daw i-LEVEL kina GERALD at KIM. MAGPUPUTAK ang KIMERALD.
SIPAT: PINAKASIKAT ngayon ang MELAI CANTIVEROS at JASON FRANCISCO LOVETEAM…
EKLAT: Kaya nga NAGPUPUTAK ang KIMERALD!
Sipat Eklat
by Papa Azzi
Pinoy Parazzi News Service