MAY MGA BAGONG pasabog ang La Luna Sangre primetime series ng ABS-CBN lalo na ngayong inilantad na ni Daniel Padilla as Tristan ang kanyang sarili kay Malia na ginagampanan naman ni Kathryn Bernardo. Umapir na ulit ang karakter ni Daniel na inakalang patay na.
Ayon sa Kantar Media, mas pinanood ng mas maraming viewers nationwide ang madamdamin at maaksyon paghaharap ng dalawa kaya naman pumalo ang episode sa national TV rating na 30% kumpara sa 17.8% na kalabang programa.
Sa totoo lang, mas pinabagsik ang La Luna Sangre sa mga susunod p ang episodes nito kaya tiyak na maraming televiewers ang mag-aabang. Napapanood ang KathNiel epic serye pagkatapos ng FPJ’s Ang Probinsyano sa ABS-CBN.
La Boka
by Leo Bukas