KUNG INIISIP natin na sa mga kasalan lamang o kaya’y sa binyagan uso ang tinatawag na “proxy”, mali, parekoy… maling-mali!
Dahil sa bayan ng Bacoor, Cavite, ayon sa ating “tawiwit” ay may proxy rin ang Chief of Police na si Supt. Edgar Roquero.
Isang “Alas” na bakla ang tinutukoy ng ating “tawiwit” na empleyado umano sa munisipyo ng Bacoor at naka-detail lamang sa Bacoor Police Station upang maging utusan sa nasabing istasyon.
Ngunit sa hindi malirip (naks ha) na dahilan, sa halip na maging tsimoy ng mga pulis ay nagsilbi itong “proxy” ni Col. Roquero.
Kung totoo na may basbas ni Hepe ang pinaggagawa ng nasabing “alas na bakla” ‘yan ang dapat kumpirmahin o itanggi ni Col. Edgar Roquero.
Narito ang ilan sa mga iniulat na ginagawa ng lintek na bakla bilang patunay na siya nga ang “proxy” ni COP Roquero.
Kapag wala si Hepe ay si Bakla na ang pumipirma ng police clearance.
May mga tao na inisyuhan ni Bakla ng sertipikasyon bilang patunay na ang mga ito ay empleyado ng munisipyo ng Bacoor at diumano ay naka-detail lamang sa Police Stn., na sumasahod ng tig-sampung libong piso.
Ang nasabing sertipikasyon na pirmado ni Bakla ay ginamit upang maka-utang ng cellphone ang nasabing mga tao.
Hindi lang ‘yan, parekoy, ito pa ang mas matindi at nararapat lamang na opisyal na itanggi ni Col. Roquero.
Dahil ayon sa ulat, ito palang si “alas na bakla” ay nagpapakilala ring “proxy” ni Hepe pagdating sa mga iligalista lalo na sa jueteng, lotteng, saklang patay at sa mga putahan sa bayan ng Bacoor.
Kaya naman, bilang proxy ay ito ring si Bakla ang nangungulekta linggo-linggo sa nasabing mga iligalista!
Ang nasabing pag-proxy ni “alas na bakla” ay bulgar niyang ginagawa at ipinangangalandakan pa umano sa mismong mga pulis ng Bacoor.
Kaya naman sa kasalukuyan ay demoralisado umano ang nasabing mga pulis.
Dahil maliban sa hindi itinatanggi ni Col. Roquero ay mistulang kinukunsinti pa niya ang baklang ito!
Tandaan mo ito Col. Roquero, bihira na lang sa mga pulis mo ang naniniwala na hindi ka hawak ni Bakla sa leeg!
Ang masakit, marami na ang naghihinala na ka-pederasyon mo ang iyong proxy!!!
Ano nga ba ang totoo, ka-pederasyon mo, sunud-sunuran ka, takot ka o binubusog ng baklang ‘yan?
Bakit nga ba tahimik ka sa mga nagaganap sa Bacoor Police Station?
O baka naman likas ka lang na mabait?
P’we!!!
TALAGANG MATINDI ang kamandag nitong si alyas Baby Panganiban na kasalukuyang gumagala sa Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon).
Si Panganiban, parekoy, ay nauna nang naiulat na kumukulekta sa mga pergalan (peryahang front ng sugalan) linggo-linggo.
Ang nasabing halaga ay para umano sa ilang taga-media upang hindi kalampagin ang nasabing mga pergalan.
Kaya nga kaagad tayong nanawagan sa mga taga-media na maaari nilang ipasuri rito sa nasabing mga pergalan sa Calabarzon baka ang kanilang mga pa-ngalan ay kasama sa ipinangungulekta nitong si Panganiban.
At kaya tayo naniniwala, parekoy, na matindi nga ang kamandag nitong si Panganiban dahil hanggang ngayon ay tuluy-tuloy pa rin ang collection nito sa diumano ay media connect para sa pergalan.
Hanga ako sa iyo alyas Baby Pa-nganiban! P’we!!!
PAKINGGAN ANG aking programang ALARMA Kinse Trenta sa radio station DZME, 1530kHz, AM band (dulong-kanan ng talapihitan) tuwing alas 6-7 ng umaga, Lunes hanggang Biyernes. Mapapanood rin ito via live streaming sa www.dzme1530.com. Anumang reaction ay ipaabot lamang sa [email protected] o CP No. 09098992775/ 09166951891.
Target
ni June Briones
[email protected]
09152121303