KRISTA RANILLO OPENS another chapter in her life as a proud mother to her three-month old son Nate Jacob. Bakas sa kanyang mukha ang sobrang kasiyahan nang makapanayam siya ng The Buzz through its US correspondent na si Monet Lu during the baptism of her son.
Ano ba ang mga naging pagbabago sa kanyang buhay magmula nang siya ay magka-baby? “Madami. It’s a very fulfilling life. Iba sa buhay-showbiz. Iyong makita ko lang [iyong] every milestone ni Nate. The first time he smiled. First time siya nagsasalita. Nagro-roll over na siya. Iyong naroon ako for every milestone of his life. It’s very fulfilling in itself. Simple ang buhay pero masaya.”
Malaki raw ang kaibahan ng fulfillment ng pagiging isang ina at aktres. “Kapag artista kasi, we strive to get the good roles. Gusto nating manalo tayo ng awards. But being a mother is like receiving an award everyday. Iyong makita mo lang na iyong anak mo [na] very healthy. Tapos ako, I’m very hands-on. I’m breastfeeding him so talagang nakita mo na lumalaki siya and he’s growing because of your tender loving care. [It] is like winning an award everyday.”
Ngayon pa lang ay nakikitaan na daw ng malaking potensyal si Nate na sumunod sa yapak ni Krista. Hindi naman nakapagtataka dahil nananalaytay sa kanyang ugat ang du-gong artista. Pero ayaw raw ng asawa niya (Niño Jefferson Lim) na mag-artista si Nate dahil gusto nito na maging businessman ang anak. Pero ma-PR daw ang bata and he likes to be around people.
Gaano katotoo ang balitang balak na ni-lang sundan si Nate? “Sabi nila s’werte raw ang Dragon baby. Niño is saying na sana next year we can have another one na girl naman. But I want to enjoy muna si Nate kasi first baby siya. Gusto ko I want to be there for him. Ayokong ma-neglect siya. Pero tingnan natin. Ngayon naman, nami-miss kong maging pregnant. Nami-miss kong magkaroon ng belly,” sabi ni Krista.
Krista had a heartwarming message to her son Nate. “Love of my life. I’m really thankful na dumating ka sa buhay namin ng dad mo. Parang feeling ko lahat ng pinagdaanan ko sa buhay ay worth it kasi you’re there. If it weren’t for everything, sa lahat ng happiness and sorrow, you weren’t here and you’re just really worth it. I love you so much and always be a good boy.”
Kaibigan, usap tayo muli!
Points of Boy
by Boy Abunda