Balik-bisyong aktor, nakitaan ng drug paraphernalia?!

BLIND ITEM: ISINUMPA ng isa naming kasamahan sa Tweetbiz that from all indications, there’s truth to the rumor na balik-bisyo ang aktor na ito.

Say ni Justine Ferrer, Survivor Philippines-Palau castaway: “Naku, Tito Ron, nakorner ko ang aktor na ‘yon sa fourth floor ng isang building para interbyuhin. Nagtataka ako kung bakit ang lamig-lamig naman ng paligid pero bugal-bugal ‘yung pawis niya sa noo! ‘Di ba, ‘pag ganu’n ang body temperature ng isang tao, eh, nag-aadik?”

How would I know, ‘no! Ang alam ko, na-shock ang mga utaw sa tumambad na eksena ng aktor nu’ng naglalaro siya kamakailan ng basketball somewhere in Mandaluyong City. ‘Pag iskor kasi niya ng three points, ‘yung sabay lundag niya, eh, siya namang pagsaboy ng ilang drug paraphernalia na nakaipit sa kanyang jersey shorts.

Nabuko tuloy. Pero wa care ang aktor sa na-shock na crowd, dinampot niya ang mga ‘yon na parang wala lang.

TO THE RESCUE agad si JayR nang ipatawag ang kanyang nobyang si Krissa Mae Arietta ng GMA Artist Center dahil sa umano’y pagtanggap nito ng raket sa Guam nang walang permiso.

Bilang dyowa, JayR was at the office to lend moral support, dahil kaibigan din pala ng R&B Prince ang contact person who engaged Krissa’s services. Kagyat ding itinanggi ni JayR na nagmaasim siya sa mga bossing ng GMA Artist Center.

Pero sumumpa naman ang aking source that there’s more to this issue than meets the eye. Diumano, feeling ni Krissa ay napababayaan ng naturang tanggapan ang kanyang career, hence, she felt the need to write a letter addressed mismo sa President at CEO ng GMA na si Atty. Felipe L. Gozon.

Hindi raw ito nagustuhan ng opisinang pinamamahalaan ni Ms. Ida Henares dahil maliwanag na pamba-bypass daw ito. Oo nga naman, granting na may pagkukulang ang tanggapang ‘yun ay maaari naman itong kalampagin ni Krissa Mae for being remiss in its discharge of duties towards its roster of talents.

To top it all, OA ang drama ni JayR just because he’s Krissa’s boyfriend, and I repeat, nobyo pa lang siya, he’s not even sure if he’ll end up as Krissa’s husband, ‘no! Kelan kaya nangialam si Raymart Santiago sa paglipat ni Claudine Barretto sa GMA, aber?

BLIND ITEM: ISANG indie gay film director refuses to churn out well-crafted movies. Katuwiran daw niya, magpapayaman muna daw siya bago yakapin ang pagsasapelikula ng kanyang mga obra kuno na may tema ng kabaklaan na may sining.

Truth to tell, there’s a global market waiting out there para sa ganitong uri ng pelikula. At du’n tiba-tiba ang director na ito whose movies, some of them I’ve seen, na walang kawawaan… sa totoo lang, Archie de Calma!

Enough of that rubbish. Tama na ang basurang pelikula tungkol sa kabalahuraan ng kabaklaan in the guise of art form!

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

Previous articleSugod Shooting: Magpasikat… Kahit Sandali
Next articleSinger-actress, pinabayaan daw ng network kaya nag-ober da bakod!

No posts to display