BALIKAN KAY EX-HUSBAND-TV HOST, ILUSYON LANG NI AKTRES!

BLIND ITEM: AGAW-EKSENA ang isang aktres sa presscon ng pelikulang kasama siya, pero hindi naman siya ang bida. Palibhasa ay may mga isyu naman kasi ang dalawa niyang anak: in the family way uli ang kanyang panganay, habang nung December 2011 lang ikinasal ang kanyang bunso.

Bukod dito, may sarili ring isyu ang aktres on two accounts. Una, ang nararamdaman niyang lungkot ng pag-iisa dahil may mga sarili nang buhay ang kanyang mga anak, kung kaya’t umaasa siyang makakatagpo ng makakatuwang na niya sa buhay hanggang sa kanyang pagtanda.

Ikalawa, ang hindi niya isinasarang posibilidad, God willing, na magkabalikan sila ng kanyang ex-husband na isa namang TV host-film producer.

Marami ang naging reaksiyon sa unang isyu sa aktres. Ilang attempts na nga ba at finding Mr. Right ang kanyang sinuong, only to end up separated from her partners? May mga nagsasabi tuloy na baka wala sa mga nakarelasyon ng aktres ang diperensiya, kundi sa kanya mismo na tila mahirap daw pakisamahan.

Pero mismong ang ex-husband ng aktres ang nag-react na sa ikalawang isyu. Corny’ng-corny raw ang dating ng kanyang ex-wife!

Kilalang chickboy ang dating kinasama ng aktres, halos lahat ng mga nakarelasyon nito’y di-hamak na mas bata kesa sa kanya. May edad na rin ang TV host, kukuha pa rin ba siya ng babaeng matanda na rin? At kelan pa, sa kasaysayan ng makulay na buhay-pag-ibig ng TV host, na meron siyang binalikan sa mga dating karelasyon?

Kaya para sa ‘ilusyunadang’ aktres… magdusa siya! Joke!

AMONG THE RESPECTED senior writers, isa si (tita) Len Llanes, like her sisters (tita) Ethel Ramos and (ate) Chit Ramos, sa mga ‘peg’ as far as credible reportage is concerned. Exaggerated as it may sound, whatever the Ramos sisters write is close to, if not is gospel truth.

Opinyon ng tita Len, nagiging ‘misnomer’ (o maling katawagan) na ang bansag kay John Lapus in between his name, ‘Sweet’. Sa pagdedemanda kasi niya kay Jobert Sucaldito, from the press but who’s the Darling of the Press himself, ligwak na ang pagiging ‘sweet’ ni John.

Tulad ng isang iniimbestiga-hang krimen kung saan umamin na ang suspek sa kanyang kasalanan, therefore, case closed, such an argument about the press’ impression of John does not need to be further taken up.

Ayon kay tita Len, as a result of John’s legal move ay natatakot na raw ang press na magsulat ng anumang tungkol kay John (except for items praising him, even for his non-praiseworthy atsutsutsu!).

This I will have to contest, sorry po, tita Len. Why should the press cower in fear na magsulat tungkol kay ‘un-Sweet’? Kelan pa nadiktahan ang press what to write and what not to write, eh, we are simply doing our job?

At kelan pa, in the history of showbiz, has editorial suppression been in practice under an imminent threat of getting sued for libel, na ang isang John ‘Sweet’ Lapus lang (I repeat, ‘lang’!) ang puwedeng magpatupad?!

Who’s that gay?!

HOW TIME FLIES, really. Come March 21, ipagdiriwang na ng Face To Face ang kanilang unang anibersaryo sa ere with 265 episodes of mixed genre ranging from drama to comedy, from action to suspense.

And mind you, sa almost a year na ‘yon amidst spontaneous sapakan, sabunutan, sampalan and all the other violent ‘S’s’, not once has Amy Perez’ program incurred the ire of the MTRCB. Palibhasa din naman kasi, nariyan ang mga bouncer na sina B1 at B2 na alisto sa tiyak nang pagdanak ng dugo sa programa!

Idagdag pa ang presensiya ng Trio Tagapayo na siyang nagbibigay ng redeeming value sa programang akala nyo’y pinagsasabong lang on national TV ang mga naggigiriang partido na puwede namang sa barangay na lang pag-usapan.

Pramis ng EP nitong si Neil San Luis, for the anniversary month of Face To Face ay mas nakayayanig ang mga kuwentong bangayan na ating mapapanood.

Wish ko lang… Ay, ibang programa pala ito!


Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

Previous articleKRIS AQUINO, MAHILIG SA BAGETS?!
Next articleLUIS MANZANO, NAGBILAD NA NAMAN NG PUWET!

No posts to display