Banana Split, nag-sorry na kay Mr. Fu

SIPAT: Wow, P530-M ang kinita ng METRO MANILA FILMFEST.

EKLAT: WALANG CHOICE ang MOVIEGOERS kundi PAGTIYAGAAN ang mga ENTRIES!

SIPAT: Movie producers: SANA laging may FILMFEST.

EKLAT: Film critics: ‘WAG NAMAN!

SIPAT: TAASAN daw ang TAX ng mga FOREIGN ACTS na magsi-SHOW sa ‘PINAS, sey ni OGIE ALCASID.

EKLAT: ‘Yung mas MATAAS PA kay DA POGI?

SIPAT: Naks, naka-P1-M ang CASH DONATIONS / GIFTS sa KASAL nina OGIE at REGINE na MAPUPUNTA sa SINUSUPORTAHAN nilang CHARITABLE INSTITUTIONS…

EKLAT: Hmmm… mas MALAKI pa sana ‘yan – kung LAHAT ng GUEST ay NAGREGALO!

SIPAT: Si HEART EVANGELISTA ang BIDA sa ‘DWARFINA’. Si LOUISE DELOS REYES naman sa ALAKDANA…

EKLAT: …sino kaya ang MAGBIBIDA sa ‘FLOPSINA’?

SIPAT: Nag-SORRY na ang ‘BANANA SPLIT’ sa GINAWANG PAGSUNOG ni MELAI CANTIVEROS sa LITRATO ni MR. FU.

EKLAT: NEXT TIME kasi… PUNITIN n’yo na lang!

SIPAT: Na-DEHYDRATE pala si JENNYLYN MERCADO kaya ito NAOSPITAL.

EKLAT: HINAY-HINAY lang kasi, DENNIS TRILLO…

SIPAT: Na-DEPRESS daw si JENNYLYN kaya NAGKASAKIT. NAISNAB ang AKTING niya sa ROSARIO.

EKLAT: HINDI kaya si MVP ang mas na-DEPRESS sa KINITA ng PELIKULA?

SIPAT: LUMIPAT na pala si MART ESCUDERO sa TV5…

EKLAT: SAANG NETWORK nga siya GALING?

SIPAT: NAGKAKAMABUTIHAN na raw sina WILLIE REVILLAME at SHALANI SOLEDAD?

EKLAT: PAMPATAAS ba ‘yan ng RATINGS?

SIPAT: LAKAS ng CHARM ni SHALANI, huh!

EKLAT: MULA sa TUMALO kay MANNY VILLAR… hanggang sa NAGPATALO sa SENADOR!

Sipat Eklat
by Papa Azzi
Pinoy Parazzi News Service

Previous articlePITIK-BULAG! MAHULAAN n’yo kaya itong isang direktor na sikat na sikat sa paggawa ng mga makabuluhang pelikula kaya’t ang kanyang kakayahang magpaganda ng istorya ay nasubok sa pamamagitan ng kanyang sariling lovelife?!
Next articleShalani Soledad, sumasakay na kay Willie Revillame!

No posts to display