BANG BANG CON: THE LIVE: BTS, may online concert ngayong Linggo (June 14)

Showbiz Blogster

BTS ARMY, handa na ba kayo?

Nakakabilib ang Korean boy band na BTS o Bangtan Sonyeondan. Para sa kanilang 7th year anniversary simula nang kanilang debut noong June 13, 2013 ay may pasabog ang mga binata

Laman ng balita sa Pilipinas at sa iba’t ibang parte ng mundo ang K-Pop boyband / international superstars na BTS o Bangtan Sonyeondan dahil sa kanilang donasyon para sa ‘Black Lives Matter’ na tumataginting na $1 Million.

BTS

Dahil sa kanilang kawang-gawa ay nainspire din ang fans ng grupo at tinapatan din ang donasyon ng kanilang mga idol at nakalikom ng mahigit $1 Million. All in all, $2 Million ang kanilang iniambag para sa ‘Black Lives Matter’ movement. Kilala ang BTS sa pagsuporta nila sa iba’t ibang charitable causes kabilang ang UNICEF kung saan nakapagbigay pa sila ng inspiring speech noong 2018.

Marami rin ang bumilib sa realistic na graduation messages nila para sa Dear Class of 2020 program ng YouTube Originals. Maliban sa kanilang moving speeches ay kinanta nila ang tatlo sa kanilang timeless hits Boy in Luv, Mikrokosmos at Spring Day.

Every year ay may pakulo ang BTS at BigHit Entertainment na tinatawag nilang ‘BTS Festa‘ kung saan sa unang dalawang linggo ng Hunyo ay naglalabas sila ng choreography videos, exclusive family portraits and new songs. Noong June 12 ay inilabas na ang animated music video nila para sa kantang ‘We are Bulletproof: The Eternal‘.

Ngayong Linggo, June 14, ay magkakaroon ng virtual live concert ang BTS – ang Bang Bang Con: The Live. Ang pay-per-view concert na ito ay mapapanood sa pamamagitan ng Weverse at Kiswe.

Kung hindi nagkaroon ng Covid-19 pandemic, malamang ay ongoing pa rin ang Map of the Soul: 7 World Tour ng BTS. Kinailangan nila itong kanselahin kaya naman may demand para magtanghal sila kahit pa sa pamamagitan ng isang online concert. Suportado naman ito ng mga BTS Army worldwide.

BTS members V, Jin, RM, Jungkook, Suga, Jimin and J-Hope

Ilan sa mga kantang siguradong kakantahin ng BTS ay ang subunit songs nila tulad ng Respect (RM at Suga), Jamais Vu (Jin, J-Hope at Jungkook) at Friends (Jimin at V). Estimated na 90 minutes ang itatagal ng concert na ito.

Sa mga fans na interesado, bumili na kayo ng ticket as soon as possible sa Weverse Shop ng BTS at ikonekta ang iyong tiket sa Kiswe. Multiview ang nasabing concert na siguradong mas magpapa-hype sa mga fans na manonood! Ang bongga, ‘di ba?

Maliban sa BTS, nagkaroon na rin ng Beyond Live concert ang Super Junior. Talagang innovative ang K-Pop pagdating sa concerts!

Ang BTS ay kinabibilangan nina RM, Jin, Suga, J-Hope, Jimin, V at Jungkook.

Previous articleVLOG WATCH: Bela Padilla’s Watermelon Sugar Ukelele Cover | Harry Styles Original
Next articleKoreanovelang ‘Secret Garden’ nina Hyun Bin at Ha Ji Won, muling mapapanood sa GMA-7!

No posts to display