Bangayan sa Senado nina Miriam at Enrile

Juan-Ponce-Enrille Miram-Defensor-SantiagoHABANG KATATAPOS pa lamang ng mga ‘di inaasahang sunud-sunod na kalamidad sa ating bansa, saglit na tumahimik ang plenanaryo, tila naghahantay, nagmamasid kung ano ang mga mangyayari.

Ngunit heto na naman muli ang Senado sa mga bago nitong pasabog habang nagkakaroon ng rehabilitasyon sa Visayas. Tila ‘di maawat ang iron lady na senadora na si Miriam Defensor-Santigao laban sa iconic at pinakamatandang haligi ng Senado na si Sen. Juan Ponce Enrile. Malaki ang galit ng senadora kay JPE sa kanyang privilege speech ilang araw pa lamang ang lumipas. Sa nasabing kaganapan, ang senador ay nakitang iiling-iling, na natatawa habang naglalaro diumano ito ng Bejeweled app game. Tila ayaw niyang intindihin ang mga pag-aakusa.

Maging ako, natatawa na lang kay Enrile, marahil bahagi ng kanyang defense mechanism upang hindi siya mapikon. Sa  aking paningin sa ating senador, may kakulitan, kanya lamang hindi na ito personal sa kanyang kalaban. Nang siya ay tinanong ng media kung bibigyan niya ba ng regalo si Mirriam ngayong Pasko, siya ay um-oo at nagsabing corned beef ang ibibigay niya rito kasi’ yun lang kaya niyang bilhin.

Kung tutuusin, inis talo lamang ang buong kwento ng dramang ito at tiyak handa naman si Enrile na magpatawad kung anuman ang alitan nilang dalawa. Sana sa diwa ng Pasko ay magkasundo ang dalawang ito dahil sa aking paningin parehas silang kailangan ng ating bansa. Dahil si Enrile ay isang bihasa na sa larangan ng takbo ng gobyerno sa panahon pa ng rehimeng Marcos at higit siyang kinakailangan ng bansa.

Maging ang iron lady na si Miriam ay ‘di matatawaran ang talino at alam sa mga batas. Kailangan lamang itong maging mahinahon. Tiyak ko malaki ang maiimbag niya sa bansa.

PAGHAHANDA

Pinaniniwalalan ko na ang mga nagaganap na kalamidad at kasawian sa ating bansa at sa mga mamamayan ay

tiyak na hindi kagagawan na ng tao kundi ng mga elementong may lakas na taglay na kapangyarihan na hindi na basta nasasawata ng ating kaisipan at pakiramdam.

Kailangan nating labanan ito sa pamamagitan ng pagpapakumbaba, pagsuko at pagtanggap na tayong lahat ay sadyang may kahinaan sa pagkatukso sa mga maling gawain. Kaya dapat nating itong idulog sa mas higit na may makapangyarihan, ang maylikha sa atin at lahat ng bagay.

Kung ang bawat isang mamamayan at lider ay may kusa upang isuko ang kanyang sarili sa pangalan ng kabutihan at boluntaryo na tumulong sa ikagaganda, ikabubuti at ikauunlad ng ating bansa, tiyak ko na ang mga elemento ng kasamaan ay maitataboy. Kasama na rito ang mapinsalang hagupit ng kalikasan na kung iisipin ay laging nagbabadya sa ating bansa.

Kung anuman ang paniniwala natin sa buhay, ang importante ay sa wakas ang mananaig ang kabutihan sa ating bansa. Ang batuhan ng political allegations ng dalawang magkatungali sa aking paningin sa reyalidad ay hindi na ganoon kainteresado ang karaniwang mamamayan, lalung-lalo na ang mga maralita na isang kahig isang tuka.

Pinanonood nga nila ito sa kanilang mga telebisyon o pinakikingan sa radyo, binabasa sa dyaryo o ‘di kaya sa net, pero ang nasa isip nila ay papaano tutugunan ang kahirapan.

Ang mamamayan, simple lamang ang kahilingan, ang umusad sa kahirapan at maging maayos ang pamilya kasunod nito ang magandang trabaho.

Ang batas ay nilikha at hinubog upang ipamahala at pagsilbihan nito ang bawat pamahalaan at kanyang komunidad, kasama ng paniniwalang “kasihan nawa ng makapangyarihang Diyos” nawa ay magtagumpay ang ating bayan. Ito ang aking hiling.

Sa aking paninwala ang malusog na pamahalaan ay may malusog na mamamayan. ‘Ika nga, kung aalagaan natin ang mamamayan ay uunlad ang ating bansa, dahil ang pangunahing kayamanan ng ating bansa ay ang ating  mamamayan. Maaring paulit-ulit ako, subalit ito ang punto ko, mamamayan muna bago ang sarili.

Sa paningin ko rin, kung anuman ang dumaang kahapon ng senador, tingin ko sa edad niya ngayon ay alam niyang kailangang mag-impok ng kayamanang pang-ispiritwal upang kung saan man ang sinasabing kaharian ng langit ay tiyak doon din nais niyang humimlay. Kaya ‘di rin naman siya sigurong masama gaya ng paniniwala ng senadora.

Para naman sa senadora, minsan ko na itong nakadaupang palad. Sa totoo lamang iba siya sa totoong buhay. Ang tapang ay ‘di ko nakita noong makausap ko ito. Isa siyang mahinahon at simpleng babae.

Ito ang larawan sa canvas ni Maesto Orobia.

For comments and suggestions, e-mail: [email protected]

Larawan sa Canvas

By Maestro Orobia

Previous articleTeejay Marquez, may bago na namang endorsement
Next articleLaking Tipid sa Christmas Bazaars

No posts to display