BTS ARMY ka ba? Kung fan ka ng Korean boyband turned worldwide sensation na BTS ay matutuwa ka sa ibabalita namin.
Simula ngayong Sabado ng 11AM Philippine Time ay libreng mapapanood ang mga concerts ng grupo mula 2015 hanggang 2018 via #BANGBANGCON. Ito ang sorpresang ibinalita ng BigHit Entertainment sa mga fans na ngayo’y stuck sa kani-kanilang bahay. Maging ang grupo ngayon ay naka-quarantine kaya kahit na gusto nila magtanghal sa harap ng kanilang BTS Army ay hindi nila ito magagawa physically for now.
Kabilang ang mga iconic BTS concerts na ito sa line-up ng 2-Day Free Online Concert: BTS 2014 Live Trilogy: Episode II The Red Bullet (2014 Memories), BTS Live On Stage (2015), the 2016 BTS Live On Stage: Epilogue, Wings Tour live in Seoul in 2017 at 2018’s BTS World Tour: Love Yourself show.
Marami ang nagulat at natuwa sa anunsyong ito ng BTS. Kung hindi nagkaroon ng Covid-19 crisis ang ngayong buwan dapat mag-uumpisa ang Map of the Soul: 7 World Tour ng grupo na mag-uumpisa sa Seoul, South Korea. Maraming local and international BTS Army ang dismayado sa pangyayari ngunit siniguro ng grupo na mapapasaya pa rin nila ang kanilang die-hard fans.
Ang maganda sa ‘BTS Weekend Stream’ na ito ay libre ang mga concerts in full HD mode. Kung na-miss ninyo ang concert ng BTS sa Manila noong 2017 o matatawag niyo ang sarili ninyo na ‘baby army’, ito ang magandang opportunity para mapanood ang humble beginnings ng grupo na nag-umpisa bilang isang 7-piece hiphop group na naging international sensation. May mga nagsasabi nga na sila ang biggest boyband ever since The Beatles.
Bago ang Covid-19 crisis ay nakapag-guest pa ang BTS sa late night shows nina James Corden and Jimmy Fallon sa Amerika kaya naman sabik na sabik ang mga fans sa kanilang world tour. Inilabas din nila ang music video para sa kanta nilang ‘On‘ (Dance and Cinematic version) at ‘Black Swan‘. Certified top hits ang halos lahat ng kantang kasali sa ‘Map of the Soul: 7’. Maliban sa mga nabanggit, na-release na rin previously ang ibang kanta na pasok sa album tulad ng ‘Boy With Luv, ‘Make it Right’, ‘Intro: Persona’ by RM, Intro: Shadow by Suga and Outro: Ego by J-Hope.
Habang naka-quarantine ang BTS at ang mga fans nito ay nabubusog pa rin sila sa constant updates nina RM, Jin, V, Jimin, J-Hope, Suga at Jungkook sa VLive, WeVerse, YouTube at Twitter. No wonder mahal na mahal sila ng mga fans. Spoiled ang BTS Army!
Take part in #BangBangCon by streaming the whole concert sa BangTanTV, the official YouTube channel of BTS.