ANG ACTRESS na si Valerie ‘Bangs’ Pablo Garcia ay tubong Metro Davao City, isang Filipina, at artista ng ABS-CBN. Binasagan siyang ‘Bangs’ dahil ayon sa kanya ay laging may bangs ang estilo ng kanyang buhok sa kanyang first movie na itinatago ang kanyang magandang mukha.
Hindi lamang siya artista kundi isa pa siyang alagad ng pintura na nagsanay upang gumuhit sa canvas. Naikuwento pa nga niya sa publiko na siya ay nabilhan sa halagang P380,000 ng kanyang obrang “Horses”. Pero inamin niyang mabagal niyang natutunan ang mga techniques sa pagpipinta lalo na sa pagdidetalye ng buhok ng kabayo. Buo rin ang pagbibida niyang ang kayang mentor ay ang pintor na si Art Dela Cruz.
Kamakailan lang, nagkaroon ng benefit exhibit ang Katipunan ng mga Artista ng Pelikulang Pilipino at Telebisyon (KAPPT) at filmmakers na visual artists sa pakikipagtulungan ng Mendez Big & Small Art Co. sa pangunguna nina Evangeline Pascual, Chairman of the Board KAPPT at Maria Isabel Lopez KAPPT VP for External Affairs. Ang title ng exhibit ay Portrayal (Laya) Portraits for Freedom na pormal na binuksan noong July 4, 2015 sa ART Center ng SM Megamall. Doon ay naging bahagi sa pangunahing panauhin ang kilalang artista at Quezon City Mayor Herbert ‘Bistek’ Bautista.
Kasama sa ginanap na art exhibition ng mga artists sina Heber Bartolome, Dranreb Belleza, Heart Evangelista, Lotlot de Leon, Ernie Garcia, Baron Geisler, Louie Ignacio, Lani Lobangco, Mara Lopez, Maria Isabel Lopez, Jao Mapa, Melissa Mendez, Cesar Montano, Nadia Montenegro, Evangeline Pascual, Rosanna Roces, at Chris Villanueva. Ito ay isang special tribute para kina Francis Magalona, Johnny Delgado, Celso Ad Castillo, at Vic Vargas.
Ito naman ang ating pakikipanayam sa ating bida ngayon sa Larawan sa Canvas.
Sa pag-aartista mo, alin ang nauna, iyong pagiging artista mo, o iyong pagiging artist painter mo? “As much as possible, napagsasabay ko naman siya.”
Pero if you’ll choose, anong love mo rito sa dalawa? “Ah… parehas eh. Kasi bata pa lang ako, I’m into arts na, kasama ako sa art club sa Ateneo de Davao University. But, I never use painting materials yet. So, in 2011, I started painting kasi na-meet ko ‘yung mentor ko, si Art dela Cruz. Nagkaroon ako ng chance. Sabi ko, ‘Uy, teka lang! Parang maganda ang mag-painting, ngayon may chance na akong magpaturo sa isang expert.’ So, it went well kasi after four months, I had my first exhibit in Rockwell, in Elements Gallery.”
Nakailang exhibit ka na? “First, Elements in Rockwell. Pangalawa, Art & Beauty Part 2 kasama ko si Tita Isabelle Lopez sa Makati sa Ricco Renzo Gallery. Tapos, Art & Beauty Part 3, sila pa rin, same group. And then, pang-apat ‘yung sa Macau for Iaca Filipino Organization sa Macau. And then, ‘yung fifth ko parang minor exhibit lang, parang tulong ko lang doon sa mentor ko kasi mga estudyante niya ang may exhibit. This is the sixth one.”
Paano nakatutulong ‘yung pagiging artista mo sa arts? Sa painting? Malaking advantage? “Kasi ako even before pa ako naging artista, I have a very, very wide imagination already. So, I don’t think related sila. Total difference siya. So, parehas ko siyang passion.”
Basta sa akin, Bangs, mag-paint ka lang at ituloy mo ang iyong hilig sa pagpipinta.
Ito ang larawan sa canvas ni Maestro Orobia. For comments and suggestions, e-mail [email protected], cel. no. 09301457621.
Larawan sa Canvas
By Maestro Orobia