NGAYONG KAPASKUHAN hindi maiwasan na marami sa atin ang maimbitahan sa mga samu’t saring handaan. Ito rin ang panahon sa isang taon na kung saan marami ang tumataba dahil sa labis na pagkakain, at ang masaklap pa, marami ang inaatake ng stroke dahil sa kanilang high-cholesterol food intakes tulad ng lechon na paborito ng halos lahat ng Pilipino.
Ito rin ang panahon sa isang taon na kinailangan bantayan natin nang labis ang ating kalusugan. May mga food supplement na makatutulong pangalagaan ang ating mga kalusugan.
Isa sa mga food supplement na ito ay ang GARLIC OIL. Sa ginawang pananaliksik ng mga dalubhasa sa medisina, ang garlic o bawang ay nakatutulong kontra sa heart disease. Tumutulong ito na labanan ang pagtaas ng tinatawag na bad cholesterol sa katawan ng tao na siyang sanhi ng pagtaas ng blood pressure.
Napag-alaman din na ang garlic ay naglalaman ng mga anti-bacterial, anti-viral at anti-fungal properties na nakatutulong pangontra sa mga samu’t saring sakit tulad ng impeksyon, sipon, sinusitis, atbp. Ang madalas na pagkain ng garlic ay nakatutulong din sa pangkontra ng mga malalang sakit tulad ng cancer, ayon pa rin sa mga eksperto sa medisina.
Ang pag-inom araw-araw ng GARLIC OIL lalo na sa mga panahong ito ay makatutulong upang mabantayan ang ating kalusugan laban sa samu’t saring sakit na puwedeng dumapo sa atin. Ang GARLIC OIL na gawa ng ATC Health Care Corporation ay personal kong iniinom. Ito ay nabibili sa mga kilalang botika.
Babala sa mga nais bumili ng GARLIC OIL sa mga hindi sikat na botika dahil maraming mga kumakalat na peke nito. Para makasiguro, tanging sa mga respetadong botika lamang kayo bumili ng GARLIC OIL.
ISA RIN sa mga food supplement na malaking maitutulong na mapangalagaan ang kalusugan ng mga kababayan na-ting mahihilig kumain ng mga pagkain sa fast food tulad ng hamburger at french fries na tadtad sa cholesterol at mabilis makapagpataba ay ang RedoXfat.
Ang RedoXfat ay isang bitamina at kung kaya’t ito’y safe na inumin at hindi nagdudulot ng side effect. Maganda rin ang RedoXfat pangontra sa diabetes. Ang madalas na dinadapuan ng diabetes ay ang mga taong mabibigat ang timbang.
Dahil sa sangkap na L-Carnitine na tumutulong sa glucose disposal sa katawan ng tao, ito ay kumukontra sa paglala ng epekto ng diabetes.
‘Di tulad ng ibang mga gamot o food supplement na pampapayat, ang RedoXfat ay naglalaman ng cleansing and detoxification properties. Ibig sabihin, tinutunaw at nililinis nito ang iba’t ibang klaseng toxins sa ating katawan kung kaya’t bukod sa tinutunaw nito ang mga taba sa ating katawan, tumutulong din ang RedoXfat bilang pangontra sa colon cancer, ayon sa mga dalubhasa sa medisina.
‘Di tulad ng ibang mga gamot o food supplement na pampapayat na nakakahina ng katawan, ang RedoXfat ay nagbibigay lakas ng pangangatawan kung kaya nagiging mas aktibo ang mga umiinom nito.
Ang RedoXfat na gawa ng ATC Health Care Corporation ay mabibili lamang sa mga sikat na drug store.
Ang WANTED SA RADYO ay napanonood sa 92.3FM, Radyo 5, Lunes hanggang Biyernes, 2:00-4:00pm. Ito ay kasabay na napanonood sa AksyonTV, Channel 41. Para sa inyong mga sumbong magtext sa 0917-7WANTED. Ang WSR Action Center ay matatagpuan sa 163E Mother Ignacia St., Brgy. South Triangle, Quezon City.
Ang T3 Reload ay napanonood naman sa TV5, Lunes hanggang Biyernes, 5:30-6:00pm. Para sa inyong mga sumbong mag-text sa 0908-87TULFO.
Shooting Range
Raffy Tulfo