NOONG 1995, nag-deliver ako ng privilege speech sa Kongreso tungkol sa mga kabalbalang ginagawa ng mga labor at welfare officer natin sa ibang bansa. Ngayong 2013, labingwalong taon na ang nakararaan mula nang italumpati ko ang tungkol sa isyu, muli na namang sumulpot ang usapin. At animo nabigla pa ang mga taga-DFA at DOLE na may mga ganito palang nangyayari sa mga embahada, konsulada at welfare centers natin sa ibang bansa.
Ang totoo n’yan,matagal nang nangyayari ang mga ito sa mga nasabing tangapan sa ibang bansa. Laganap d’yan ang pang-aabusong sekswal na isinasagawa ng mga opisyales natin laban sa mga babaeng OFW. May mga pangyayari pa nga na ibinubugaw sila ng mga opisyales natin sa ibang national para makakomisyon sila ng malaking halaga.
Isang halimbawa na lang itong si Mario Antonio, isang welfare officer ng OWWA na nadestino sa Japan noong maagang bahagi ng 1990s. Mismong ang pahayagang Yomiuri Shimbun ng Japan ang naglabas ng pangalan niya na sangkot sa kalokohan sa Tokyo. Ibinulgar ko ito at ipinaimbestiga sa Kongreso. Ipina-recall si Antonio dito sa Pilipinas. Pero matapos ang ilang taon, nabalitaan ko na lang na nakabalik na naman siya sa puwesto at sa ibang bansa naman nadestino.
Ngayong may lumabas na namang isyu sa kanya, magbubulag-bulagan ba uli ang DOLE?
LIBRENG PAYO SA OFW! I-TEXT N’YO AT SASAGUTIN KO! PM <space> saklolaw <space> ang inyong katanungan at i-send sa 2948 (for Globe, Smart and Sun users). E-mail: [email protected]
Ayuda sa OFW
By Ome Candazo