KAKATWA ANG naging kalagayan ng ating mga kababayang nagparehistro ngayong katapusan ng Hulyo 2013 para sa barangay elections lalo na sa mga lungsod ng Quezon at Manila, kung saan mas marami ang populasyon ng mga botante. ‘Yung iba, alas-3:00 pa ng madaling-araw pumila aa designated Comelec stations at doon na natutulog. Naiulat ding parang buwis-buhay ang pangyayaring ito. Totoo nga kayang habol nga ng mga nagpaparehistro ang deadline kaya halos magka-stampede na sa pila?
Ayon pa sa nakalap kong impormasyon, diumano ay hakot pa ang karamihan ng mga nagpaparehistro ng mga campaign leaders na grupo-grupo pang nakasakay sa mga dyipni at truck. ‘Yung iba namang barangay officials ay parang mga watchers na nandoon diumano sa loob ng maliit na opisina ng Comelec stations. Naks, naman! Papaano tayo uunlad nito sa ating sistema sa larangan ng pulitika. Doon pa lang sa barangay level, ganoon na ang grabeng interes ng mga tao nito? Ano ito bayaran? Ano ito mga pinangakuan?
Isang tradisyong istilo ng pamamaraang pulitika na parang sakit na kanser. Ano kaya ang masasabi ng Comelec officials dito sa ganitong kalagayan ng ating pulitika sa bansa. Kahina-hinalang mas unang pagsisilbihan ang pansariling mga interes nito. Hay, magsilbi kayo sa bayan, sa mamamayan, nang tapat at tunay, nang tayo nama’y umasenso.
Manny Pacquiao For President: Pangarap Pa Lamang o Katotohanan?
“A GENIUS.” Ganito isinalarawan ni Buhay party-list Rep. Jose “Lito” Atienza ang Filipino boxing icon na si Manny Pacquiao, kung saan hindi dapat i-underestimate ang kapasidad at potential nito bilang aspiring president ng bansa. Dagdag pa niya, “Let’s not belittle him because he has a very bright mind. In fact, I call him genius. He wouldn’t become a champion with eight world titles if you’re not a genius.”
Anuman ang mangyari, isa nang legend si Manny sa larangan ng boksing. Siya ay nakasulat na sa history bilang famous world boxer. Dangan nga lamang ang nakakaduda ay talaga kayang nagmamahal kay Manny ang mga nakapaligid sa kanya, samantalang doon pa lamang sa laban nila ni Juan Manuel Marquez ay dapat napayuhan na ito?
Pinayuhan na sana na huwag nang ituloy ang laban kay Marquez na ang talagang ang sadya nito ay ipakita niya sa mundo na ang world title holder ng dekada ay kailangang matalo niya at muling babangon ang isang bayani ng Mexico sa larangan ng boksing. Nakadududa kung hahamunin pa niya ito, patulan pa kaya siya nito sa hamon na rematch?
‘Ika nga, plinano itong mabuti ni Marquez, ang kanyang laban at panalo. Matalino at wise na boksingero ito bagay na isa itong lawyer at isa lang ang masasabi ko ‘yung diskarteng naipanalo niya laban sa ating Pambansang Kamao.
Alam naman nating ang boksing, parang malaking sugal, hindi lahat ng pagkakataon nakapupuntos ka. Sana nga maipanalo ni Manny ang kanyang bagong laban upang maibalik ang kumpyansa ng buong mundo sa kanya bilang world champion sa November 23, sa Estados Unidos laban sa puncher slugger na si Brandon Rios na gaganapin sa Macau.
Kung may mga nag-uudyok pang muli kay Manny sa isang laban hindi naman sa ring kundi para sa presidential race sa 2016 sana na lamang ay payuhan ang ating Pambansang Kamao na maging senador na muna. Para mahasa siya nang husto kasabay ng pag-aaral niya sa mga legislative at executive laws. Sa ganoon, maipakita naman nating seryoso tayo sa ating mga pinapasok na larangan sa pulitika at hindi tayo lalong mapagiwanan pa ng mga mauunlad na bansa.
Sa ating batas, ang tumakbo ka bilang pangunahing lider ng ating bansa ay at least 40 years old. Ano ang malay natin, ‘di ba? Subalit hindi dapat magmadali.
Ito ang larawan sa canvas ni Maestro Orobia. For comments and suggestions, e-mail: [email protected]
Larawan sa Canvas
By Maestro Orobia