NARITO ANG ilan lamang sa mga sumbong na ipinadala sa pamamagitan ng aming text hotlines na 0908-87-TULFO at 0917-7-WANTED.
Irereklamo ko lang po iyong barangay outpost namin dahil laging walang taong nakabantay. Marami na po kasing nahablutan ng bag dito sa lugar namin dahil may mga posteng walang ilaw kaya madilim ang kalye.
Pakikalampag naman po itong mga pulis na ito na nagtse-check point sa madilim na lugar at walang indikasyon na nagsasagawa sila ng check point. Mga nakasibilyan lang po sila. Ang sasakyan nila ay may plate number na SHX 842. Dito po ito sa Regalado, Quezon City.
Ako po ay concerned citizen dito sa Pasong Tamo, Quezon City. Gusto ko lang pong humingi ng tulong dahil may isang kalsada sa amin na iyong gitna lang ang nasimentuhan ng barangay, pero ang kabuuan po ay hanggang sa ngayon ay hindi pa tinatapos. Nilalagyan na lang ng mga residente ng panambak para madaanan. Sana po ay mabigyang pansin ito dahil maramin na ang naaksidente dito, dahil sa hindi pagtapos ng proyekto ng aming barangay.
Reklamo lang po namin iyong mga vendors dito sa Complex sa Sta. Rosa, Laguna dahil nasa gitna na sila ng kalsada. Sobrang traffic ang idinudulot nila dahil nagiging one way na lang ang madaraanan sa harap ng simbahan.
Isa po akong concerned citizen, pakiaksyunan naman po ang ginagawa ng barangay chairman namin sa Lingayen, Pangasinan dahil nagpapaputok ng baril niya. Takot na takot na po kaming mga residente sa mga ginagawa niya.
Isa po akong concerned parent ng Antipolo. May reklamo po ako sa Antipolo National High School dahil hindi binibigay ang mga card ng mga estudyante dahil kailangang magbayad daw ng GPTA at para sa guwardiya na nagkakahalaga ng P105.00. Kapag hindi nakapagbayad ay hindi ibibigay ang card.
This is a concerned citizen from Quezon City, may I request your help in calling the attention of authorities along Visayas Avenue in front of Tandang Sora Market. The road have 4 lanes but 1 lane is occupied by vendors while the other 2 lanes are being utilize as parking area for private vehicles, taxis and as a terminal for jeepneys. Pedestrians cannot use the sidewalks because of the parked vehicles.
Baka naman puwedeng pakiaksyunan ang mga jeep dito sa A. Guizama, Concepcion, Marikina dahil may mga jeep na ginawang parking area at talyer iyong sidewalk.
Makinig at manood ng Wanted Sa Radyo 92.3 FM Radyo5 at Aksyon TV Channel 41, Luneshanggang Biyernes, 2:00-4:00 pm. Ito ay naka-simulcast din sa 101.9 FM sa Cebu at Davao. Sa Cagayan de Oro ito ay kasabay na napakikinggan din sa 101.5 FM at sa 97.5 FM naman sa General Santos City. Samantalang sa Bacolod City naman ay sa 102.3 FM.
Ang inyong lingkod ay mapanonood din sa Aksyon Sa Tanghali sa TV5, Lunes hanggang Biyernes, 11:30 am-12:00 nn.
Mapanonood din ang inyong lingkod sa T3: Alliance sa TV5 tuwing Linggo, 1:30 pm.
Para sa inyong mga sumbong, mag-text sa 0908-878-8536 at 0917-792-6833.
Shooting Range
Raffy Tulfo