SA BIRTHDAY presscon ni Barbie Forteza na handog ng GMA Artist Center sa dalaga, buong ningning na inamin nito na wala siyang balak magdiwang ng bonggang kaarawan. Kung ang ibang young star kapag dumarating ang kanilang 18th birthday, todo plano sa kung anu-ano ang mangyayari at ultimo isusuot na damit pang-debut ay pinaghahandaan din.
Pero iba nga si Barbie sa kapwa niyang teenager na mas pinahahalagahan ang hirap ng pinagkitaan. Kaysa gumastos daw nang sobrang laki, ilalaan na lang daw niya sa mga kapus-palad ang perang magagastos sa isang araw na pagdiriwang.
Sa birthday presscon na rin ni Barbie, nakiusap ito sa entertainment press na tulungan siyang maipaabot sa mga tao ang kanyang Adopt A Room Program ng Philippine Children’s Medical Center. Katunayan, may on going na renovation sa isang room na in-adopt ni Barbie sa tulong ng GMAAC.
“Ilalagay ang donation box sa mezzanine ng GMA building at ini-invite ko ang mga fans, mga kaibigang kong artista, at ‘yung ibang tao na mag-donate ng kahit na anong goods hanggang August 5. Hindi po cash ang tatanggapin namin. Para sa mga bata ito at para masama sa celebration ko sa PCMC, sa August 6. Patulong naman po sa inyo,” pakiusap ni Barbie.
Sa July 31 pa talaga ang birthday ni Barbie pero binigyan na nga siya ng advance birthday greeting ng Kapuso Network last Tuesday. Pero, wala pa raw siyang naging boyfriend kahit M.U. man lang. Si Derrick Monasterio na dating ini-link sa kanya at napabalitang pomorma ay wala raw, hanggang pagiging magkaibigan lang daw ang pagiging close nila.
“Friend lang po, saka may girlfriend na siya, ‘di ba?” say ni Barbie patungkol kay Derrick.
Eh, nang banggitin naman ang pangalan ni Miguel Tanfilix na balitang nanligaw rin sa kanya.
“Wala po, kaya nga wala na siya sa picture,” patungkol ni Barbie kay Miguel.
Gusto raw kasi ni Barbie na maging manliligaw ay ‘yung pupuntahan siya sa kanilang bahay at ipagpapaalam sa magulang kung anuman ang gusto or balak ng guy sa kanya. ‘Di raw niya type ‘yung pa-text-text lang at palipad-hangin. Maganda raw umakyat sa kanilang bahay kung manliligaw. Makaluma raw kasi siya at kung wala raw talagang makapasa sa panlasa niya ay wala siyang magagawa.
Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo