Barbie Forteza, nagmaldita sa mga taga-media

ANG ASIM ng mood ni Barbie Forteza last time na ini-interview namin siya kasama ang iba pang miyembro ng media. Sa unang pagkakataon, nakita namin kung paano siya magmaldita.

Tila nairita siya nang may magtanong kung totoo bang sa dating ka-loveteam niyang si Joshua Dionisio unang inialok ang pagiging leading man niya sa bagong seryeng kanyang pinagbibidahan na Paroa: Ang Kuwento Ni Mariposa bago ito napunta kay Derrick Monasterio.

Gusto lang naman kasi ng mga nag-i-interview sa kanya that time na mabigyang-linaw kung first choice ba talaga si Joshua for the said role, pero tinanggihan nito dahil gusto ngang mag-concentrate muna sa pag-aaral at maka-graduate dahil fourth year high school na ito ngayon.

“Hindi ko po alam. Wala po akong idea,” ang halos magsalubong na ang kilay na sagot ni Barbie.

“Basta ‘yong sa akin, sa part ko lang siyempre. Pakialaman ko pa ba ‘yong sa iba?” mataray pa niyang sabi.

Tuluyang napasimangot ang Kapuso young actress nang muli, may isang nagtanong kung saan ba nanggagaling at hindi nawawala ang isyung may conflict sila ni Bea Binene.

“Sa inyo po!” mataray na pambabara ni Barbie sa nagtanong.

Shocked ang tinarayan ng young actress. Lahat ng nag-i-interview sa kanya, ang tanging na naging reak-siyon na lang… talaga?

“Opo. Sa inyo naman nanggaga-ling ‘yong mga ganyan,” mariing sambit ng young actress.

“‘Yong mga kumpi-kumpetisyon. Mga conflict. Kayo lang naman po ang nagpapa-issue ng ganyan.”

Hala! Talagang nilalahat nang pagdiskitahan ni Barbie ang mga taga-media na siyang nang-iintriga sa kanila ni Bea. Nagtatanong lang naman, napag-initan na? Ano ba ‘yun?

MAG-AAPAT NA taon na ang relasyon nina Divine Lee at boyfriend niyang Victor Basa. Mahigit two years na silang nagli-live in and so far, matahimik at masaya naman ang kanilang pagsasama.

“Ang tagal na rin, ‘di ba?” nangiting sabi nga ng model-turned-TV host. “Bago naging kami, ang tagal na naming naging magkaibigan, eh. Since grade school, magkakilala na kami. High school, barkada kami. Hanggang college. Oo. ‘Di ba?”

Bakit hindi kaagad sila ang naging magkarelasyon?

“Kasi hindi ko pa siya bet noon!” tawa na naman niya. “Hindi. Hahaha! Ano… alam mo kung naging kami dati, baka hindi kami nagkasundo. Kasi sobrang opposite kami. Siya tahimik. Napakaingay ko. ‘Di ba? But then no’ng eventually, ‘yong pareho nang nag-mature, tamang-tama lang naman ‘yong timing.”

Paano ba niya finally naging bet na maging boyfriend si Victor?

“Niligawan niya ako!” tawa na naman ni Divine. “Pero hindi. Malalim na ‘yong pundasyon. Kumbaga magkaibigan na kami nang matagal. Kilala na namin ‘yong bawat isa. As a friend pa lang, tanggap ko na ‘yong mga mali, eh. ‘Yong pros and cons, okey na. Eh, no’ng nanligaw siya, mukhang pursigido naman… go! Why not? Okey naman.”

Kelan naman kaya niya pagpaplanuhan ang kasal?

“Naku, ano kasi… ‘yon ang parati nga niyang sinasabi. Parati siyang nagtatanong. Siguro kung magpapakasal, ‘yong maliit na kasal lang. Na kasama mo lang talaga ‘yong mga mahal mo sa buhay. Walang celebration na malaki. Ang tagal pa niyan!”

Ano ang dream wedding niya?

“Sinabi ko na ‘yan dati… gay pride! Kasi… ang dami kong kaibigan na bakla. So gusto ko talaga… gay pride. Para masaya. I just want na lahat ng tao ro’n, masaya. “At malamang hindi okey kay Victor ‘yon. Hahaha! Pero… iyon ang gusto ko.  And, tinatawanan lang niya ako kapag sinasabi ko ang tungkol do’n.”

Ganyan?

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

Previous articleAkihiro Blanco, patutunayan na may talento rin siya
Next articleJohn Estrada, matapang na hinaharap ang pagkamatay ng ama

No posts to display