NAGTATAKA SI Barbie Forteza kung bakit wala siyang manliligaw. As in wala raw talagang nagpaparamdam sa kanya o nagpakita man lang daw ng interes na ligawan siya. May nagte-text naman daw sa kanya pero pawang mga kaibigan lang niya at wala raw kahit isa man lang sa mga ito ang nagparamdam na gusto siyang pormahan.
Sabi ni Barbie, may tendency raw kasi siya na gawing friend ang mga lalaking nakikilala. Siguro raw dahil napalagay na ang loob sa kanya, nawalan na raw ng interes ang mga ito na ligawan siya.
Ayon pa kay Barbie, ready na siyang magka-boyfriend at payag na rin raw ang kanyang magulang na magka-boyfriend siya dahil malaki ang tiwala sa kanya.
Ayaw namang sabihin ni Barbie na naiinggit siya sa mga kaibigang sina Bea Binene, Louise delos Reyes at Joyce Ching na nagkaroon na ng boyfriend. Gusto lang daw niyang malaman kung ano ang feeling ng isang may kasintahan. At nae-excite din daw si Barbie na maranasan kung paano masaktan sa taong minahal, pero hindi pala totoong nagmamahal.
Anyway, sa mga gustong manligaw kay Barbie. Gusto niyang maging boyfriend ay isang pilyong lalaki pero matino at seryoso kapag nasa harap na niya.
Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo