MARAMI ANG nagtataas ng kilay sa pagkakaroon ng self titled album ni Barbie Forteza. Ano raw ba ang karapatan niya para maging isang recording artist.
“Well, hindi ko naman talaga masasabing professional singer ako!” reaksiyon ni Barbie nang matanong naming kaugnay nito.
“Iyon nga ang isang ipinagpapasalamat ko sa GMA at sa MCA Music. Kasi binigyan nila ako ng chance para magawa ko ‘yong isa sa mga pangarap ko talaga.
“Na akala ko hanggang pangarap na lang! Haha! Kasi, medyo hindi maipaliwanag ang aking boses!” birong sabi pa ng tweenstar.
“Pero bilang… pinush ko naman, at bilang pinagkatiwalaan naman ako ng MCA Music at ng GMA… talagang pinagsikapan ko na kahit papano ay umayos ‘yong boses ko! Hahaha!”
Sapat na raw for her na nagkaroon siya ng album. Hindi na raw niya hahangarin pang maka-gold o platinum award ito.
“Kasi nga… ako, thankful ako kasi kahit papano binigyan ako ng chance para magkaroon ng album. Pero never ko namang pinangarap na magkaroon ng ganyang record award.
“Nagulat nga ako dahil hindi ko inakala na magkaka-album ako. Basta I was told na parang magmi-meeting daw with MCA Music.
“Sabi ko… ha, bakit? Tapos seryoso silang lahat. Nakikipag-usap sila sa amin, hindi ko sila maintindihan na… totoo ba sila? Gagawin ba nila talaga akong recording artista? Kaya… tuwang-tuwa ako talaga.”
Marami rin ang siguradong,maninibago na napapayag siyang gumanap ng role na may pagka-kontrabida. Ito ay sa remake ng Anakarenina ng GMA-7. She will be portraying as Karen.
“Pero ‘yong character ni Karen, hindi siya ‘yong typical na kontrabida kundi ano siya… babaeng bakla,” paliwanag niya.
“Kasi ‘yong Mommy ni Karen, gano’n. So namana niya ‘yong gano’ng personality. Tapos wala rin siyang masyadong pinag-aralan.”
Bago at talagang kakaibang role ito para kay Barbie kumpara sa mga nauna niyang ginampanan na mabait at laging umiiyak dahil inaapi. Tapos biglang mapapanood siya portraying a character na palaban.
“Oo nga, eh. Hindi nga ako makapaniwala nang sinabi sa akin na ako si Karen. Pero masaya ako, kasi unang-una, for a change.
“Kasi as much as possible, ayokong hintayin ko pang magsawa ‘yong mga manonood sa akin. Na… lagi na lang akong umiiyak. Lagi na lang ako talunan.
“Gusto ko naman ngayon, sa bawat show, ibang Barbie lagi ‘yong makikita nila. E parang ang hirap nang baguhin ng atake sa lahat kung parati at halos pare-pareho lang ‘yong role mo.
“So ngayon, masaya ako. Dahil napaka-challenging no’ng role.
“Makakasama ko rito bilang mga lead din si Krystal Reyes bilang si Ana at si Joyce Ching naman po si Nina.
“Ka-loveteam ko po tito si Derrick Monasterio. Ang kapartner po ni Joyce, si Hero Peralta. Tapos si Julian Trono naman ang kay Krystal.
Ikinatutuwa rin daw niya na sila ulit ni Derrick ang magkatambal.
“Pang-third na namin itong sa Anakarenina. Uhm… masaya! Masayang kasama si Derrick.
“At sa sobrang komportabl na namin sa isa’t isa, natatantiya namin o kaya… kumbaga, close kami para itanong ‘yong mga bagay na emdyo nakakailang, ganyan.
“Kaya masaya siyang katrabaho. Kasi nga, kaibigang-kaibigan ko na siya talaga,” sabi pa ni Barbie.
Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan