Sa ibang previous TV projects ni Barbie tulad halimbawa ng teleseryeng Araw Gabi ay nasubukan na niyang mag-portray ng daring character. Leading man ni Barbie sa naturang serye si JM de Guzman na mas may edad kumpara sa kanya.
Ano ba talaga ang career path na gusto niyang sundan?
“Oo nga po, eh, kasi ang daming… pati nga RM ko at handler ko nalilito rin po kung ano ba talaga. Like yung ginawa ko po kay Vhong (Navarro), nag-Mang Kepweng kami.
“Yung ibang nakaka-love team ko, siguro mga 10 years or 15 years older than me. Tapos ngayon naman po, nababalik na ako sa mga kaedad ko,” natatawang pahayag ni Barbie.
Patuloy niya, “Well, for me naman po hindi… wala naman po akong gustong tahakin talaga na kung ano – na ito lang, na gusto ko bata lang ako o gusto ko pa-sweet lang ako. Para sa akin po, siguro masaya ako kapag maganda yung istorya na binibigay sa akin mapa-daring man po yan or pa-sweet lang.
“Kung maganda po yung istorya gagawin kop o talaga. And trabaho po yan, eh, di ba?”
Ang pinakaimportante daw sa lahat ay nade-deliver niya naman daw kahit papaano ang role na na-assign sa kanya.
“Kahit naman po pa-sweeet lang yung role, or daring or kontrabida or bida or kahit small role lang, nasa sa ‘yo pa rin po yon kung papano mo papagandahin yung role na binibigay sa ‘yo at kung paano ito magmamarka sa mga taong nanonood,” sabi pa ni Barbie.
When asked kung paano ba niya hinarap ang bagong umaga pagkatapos magsara ng ABS-CBN, ayon kay Barbie, hindi niya raw talaga alam ang gagawin noong simula.
“Mahirap po talaga yung nangyari with ABS-CBN,” buntong-hininga ng aktres. “Siyemre, ako po, ABS na po yung tumulong sa akin para mabago ko yung buhay ng buong pamilya ko, eh. So, nung nangyari po yon, hindi ko po alam yung gagawin ko, kung ano yung next kong gagawin,” pag-amin pa niya.
Mabuti na lang daw at hindi pa rin siya pinabayaan ng ABS-CBN sa kabila ng mga nangyari.
“Kasi siyempre, yon na po yung trabaho ko, eh. Pero at the same time, siyempre, po iba talaga yung tiwala ko sa ABS na kahit nag-close hindi po kami pinabayaan. Para sa amin malaking bagay po yon na sinisigurado po nila na kahit nagsara na ang ABS hindi po nila kami papabayaan,” lahad pa niya.
Napapanood ang Bagong Umaga sa A2Z Channel 11 pagkatapos ng It’s Showtime at sa iba’t ibang Kapamilya digital platforms.