Viral na naman ang aktor na si Baron Geisler sa social media, matapos na mag-beastmode na naman at halos bugbugin ang isang walang kalaban-labang estudyante ng University of the Philippines sa Diliman.
Sa Facebook page ni Khalil Verzosa, estudyante ng Visual Communication sa College of Fine Arts sa UP Diliman, umabot na sa 2.5 million views ang kanyang video post ng pagwawala ni Baron.
Kalakip ng viral video post ang paliwanag ni Khalil sa pagbi-beastmode ng magaling na aktor. Aniya, “we had a school prod for an editorial design campaign, we got him to act, pumayag siya, tapos inayos namin yung script, natagalan ng mga ilang oras at since students kami daming ginagawa so we were pressed with time, late nakapagcoordinate kay baron kaya late yung script na nabigay pero as a director, I made sure na morning ko masend na sa kanya at the very least, kasi maikli lang naman. natuloy kami at nagsorry nung dumating siya sa set pero nagpaparinig na siya na sana kasi maaga binigay yung script, so nagsorry pa rin kami kasi alam naman namin na kasalanan namin.”
Gayunman, sa kabila ng pagkukulang umano ng kanyang grupo, ng estudyante na walang karapatan si Baron Geisler na mag-beastmode, dahilan umano para i-post niya ang video at makita umano ng publiko na mali ang ginawa ni Baron.
“It’s not right to pick on us, we’re a still student prod, we put our hearts into this production and advocacy, kahit ako pa ang nagwaldas ng pera para lang mabayaran yang TF niya, wala talaga kaming budget at nagkaroon pa ng kaunting aberya. Baron Geisler, wala kang karapatan na mag beastmode, kaya sa tingin ko na dapat kong ipost ito. para makita ng lahat na mali yang ginagawa mo.
share niyo yung video para maturuan ng leksyon!!!” saad ni Kahlil.
Sa obserbasyon namin sa video post, sobrang believable ang ‘pagtitimpi’ ni Baron sa kanyang acting, at kahit anong halimaw na ang lumukob sa pagkatao na niya, hindi pa rin ‘sinaktan’ ang estudyante.
Yes, sa palagay namin, ang buong video post ang mismong ‘finished product’ ng production team ni Khalil. Sabi nga ni Khalil, ginagawa nila nang araw na iyon ang isang “editorial design campaign”.
From the subject or topic itself, malalaman natin na ang ginagawa nilang produksiyon ay para humikayat ng reaksiyon at opinyon sa publiko. At sa puntong ito, winner ang nagawang project ng grupo ni Khalil. With more than 2.5 million views, more than 37,000 likes, more than 34,000 shares, and hundreds of comments… ewan na lang kung ‘di pa maka-uno sa kanilang grades ang grupo ni Khalil. ‘Di ba, prof?
By Parazzi Boy