NAKAPAG-PUBLIC APOLOGY NA nga si Baron Geisler kay Cherry Pie Picache dahil sa isyung kinasasangkutan nilang dalawa sa set ng Noah ng ABS-CBN, and naka-scheduel na this week na pumasok si Baron sa 90-day rehabilitation program, para sa “alcoholic management” sa kanya.
Ito nga ay bunsod ng diumanoy’ “pambabastos” daw ni Baron kay Cherry Pie, nang nakainom sa set ng nasabing teleserye.
Dapat pala sana ay sa Baguio City ang rehab center na pupuntahan ni Baron, pero malayo ito kung kaya’t sa medyo malapit sa Manila (o within Metro Manila) ang papasukang rehab ng kontrobersiyal na aktor this week.
Nandoon ang yours truly sa ipinatawag na solo presscon ni Baron by his talent management company, ang ALV Talent Circuit ng manager niyang si Arnold Vegafria, sa Max’s Resto in Sct Tuazon St., Quezon City, at ramdam namin ang lungkot sa mga mata ng aktor, bagama’t nanatili pa rin itong malakas sa pagharap sa media.
Sa previous interview kay Arnold, sinabi nitong “There’s a problem that has to be addressed kaya ito pinag-usapan namin sa PAMI (Professional Association of Managers Inc.) and we came up with this decision.”
Pero sa presscon na ‘yun ni Baron, hindi naitago ng magaling na aktor ang sentimiyento nito sa mabilis na takbo ng mga pangyayari.
Say ni Baron: “To tell you the truth, parang feeling ko, wala pang… itong sa akin, wala pang judge, hindi siya nilitis nang maayos pero na-predict agad.
“For me, to tell you the truth, I find it so unfair. But I respect, you know, ‘yong organization ng PAMI for not allo-wing me to work. Nilalagay ko na lang po siya sa positibo.”
Magkaganoon man, kahit na tatlong buwan itong mawawalan ng trabaho dahil nga nasa rehab, iniisip na lang ni Baron na maging mas maayos ang buhay niya.
“I will get help to become a better man, a better person. And probably, if they see the changes in me, then maybe they will allow me to work.
“I really want to thank PAMI rin for giving me this opportunity to become a better man, to really change—not by just saying it publicly but feeling it and being that person who I really want to be.”
Aminado rin siyang deserved naman daw niya kung anumang parusa ang ipinataw sa kanya ng PAMI, dahil ilang beses na nga siyang nalalagay sa mga ganitong sitwasyon.
“Siguro it’s time for me to face the music. Siguro nagsawa na rin ang tao sa kakasalita ko, wala namang gawa. Pasalamat ako na nag-intervene sila. Kasi, alam ko na hindi naman sila galit sa akin. I know that they want to help me. So, ang laki ng pasasa-lamat ko sa kanila, sa PAMI.”
Umaasa si Baron na after 3 months, sa kanyang pagbabalik ay may babalikan pa siyang career at mapatawad siya ng mga taong nasaktan niya. May kasunduan kasi ang PAMI members na hindi nila hahayaang makapagtrabaho ang kanilang talents with him, hanggat hindi “fully rehabilitated” si Baron.
“I hope pagbigyan nila akong magtrabaho eventually. Kasi, this is my life, e. Not only my bread and butter, it’s more than that. I need the money, yes, but acting is my life,” seryosong lahad ni Baron.
FINALLY, NAKOPO NA rin ng Pilipinas ang pinakamimithing korona ng Ford Supermodel of the World 2011, dahil title kung title ang ating Philippines bet na si Danica Flores Magpantay, anak ng dati ring Supermodel ng bansa na si Lala Flores!
Kinabog ni Danica ang iba’t ibang bansang lumahok sa nasabing international modeling competition na run by the prestigious Ford Modeling Agency na kilala sa buong mundo.
Sa event na ginanap the other night, grand winner si Danica, 1st runner-up ang kinatawan ng bansang Lithuania at 2nd runner-up ang from Poland, na parehong mga blonde ang hair.
Trivia sa past Pinays na lumahok sa nasabing contest: Melanie Marquez (runner-up in 1986), Crest Best Smile awardee Lala Flores (1990), and semifina-lists sina Adel Go (1989), Lorena Pangan (1993), Joan de Mesa (2000), Marjay Ramirez (2002), and Verns Buckley (2003), Charlene “Chat” Almarvez (1st RU, 2010), at Charo Ronquillo (2nd RU, 2005).
Congratulations, Danica and mabuhay ang Pinay! Mabuhay ang ‘Pinas! Isa itong malaking karangalan para sa bansa!
Mellow Thoughts
by Mell Navarro