AT LAST Monday’s MVP Ball ni Manny V. Pangilian with his TV 5 “artistas” may eksena pala na naganap involving Baron Geisler.
Na-possess na naman ba si Baron na halos wala pa yatang isang buwan ay nakulong siya ng halos 14 hours dahil sa pag-atake sa isang lalaking tindero.
Ayon sa isang witness, si Baron, nakainom na naman na dumalo sa MVP Ball na ginawa sa compound ng Meralco sa Pasig.
Happy sina Divine Lee, IC Mendoza at Edgar Allan Guzman sa party.
Akusasyon ni Baron, si IC daw ay “Cheap!” habang si Edgar naman ay pinagmumura niya dahil hindi daw marunong magbigay respeto sa mga nauna sa kanya at ang pagnakaw niya ng halik kay Divine.
Tuloy iisipin mo na kung hindi siya lango sa alak ay idadahilan na naman niya na may chemical imbalance siya kaya “napapraning” siya at kung anu-ang pinaggagawa.
Sa totoo lang, nakakasawa nang intindihin si Baron.
Sabi nga ni Divine sa pangyayari: “Magpagaling na lang si Baron sa sakit niya! Helpless siya!”
HAPPY ANG mga na-invite sa get-together dinner (it is not a Christmas party dahil Robin is a Muslim or a blow-out as what other press people think) ng mag-aswang Robin Padilla at Mariel Rodriguez sa kanilang bahay sa Fairview.
It’s a get together of old friends na kakilala nang personal ni Binoe in the past na gusto niyang ipakilala sa kanyang misis.
Actually, the dinner get-together was planned way ahead like September na last Sunday lang nagkaroon ng katuparan with Robin and Mariel’s busy schedules.
Si Robin kasi, may six shooting days pa para sa pelikula niyang Kuratong Baleleng kung saan kasama niya si Mariel na isang “love story” pala and not about the “Kuratong Baleleng” we know na mga hoodlums & carnapers about, aside from his Saturday sitcom with Pokwang and Angel Locsin ang Toda Max, at ang pagsasamahan nila ni Kris Aquino at Anne Curtis, ang Kailangan Mo Ako na sa February 2013 ang premiere telecast as Kris’s birthday gift sa kanyang followers.
Daming anektoda ang gabing ‘yun with old friends of Robin at the time na hindi pa siya sikat at nagsisimula pa lamang at nakatira sa isang old Scout Santiago apartment ng mentor discoverer niya na si Deo Fajardo aka Digna Fabian.
Daming mga personal na kuwento na nai-share ng mag-asawa sa mga kaibigang reporters ni Binoe.
Tawag nga niya sa mga old timers or lalo na ng mga kaedad niyang reporters sa showbiz ay “ka-batch” na siya niyang laging sinasabi sa mga taong ipinapakilala niya sa amin personally.
To Binoe, thanks for the friendship and more power.
DAHIL SA karanasan na nawalan ng anak sina Sen Bong Revilla at misis niya na si Cogresswoman Lani Mercado, naiintindihan ko kung bakit hindi sila sang-ayon sa pagpasa ng RH Bill.
Kaya nga ang pagboto sa RH Bill ay boto ng konsensiya at paniniwala. Sa mga Pro-RH, atake ang asahan ng isang pulitiko na ang stand ay NO!
Ang misis ni Sen Bong, sanay na rin sa atake sa kanya. “Kung minsan napapaglaruan ako pati ang personal kong buhay but I’m trying to get used to it,” sabi niya sa Christmas party nilang mag-asawa for the entertainment press.
Between showbiz & politics: “Mas nasanay na ako sa mga intriga sa showbiz. Sa pulitika, dahan-dahang nake-carry ko na rin,” kuwento niya.
Sa Tuesday, simula na ang MMFF and hopefully maulit muli ang pagiging numero uno ng pelikula ni Sen. Bong, ang Si Agimat, Si Enteng Kabisote at Si Ako.
Reyted K
By RK VillaCorta