AYAW NANG patulan ni Baron Geisler ang mga isyung kasalukuyang ibinabato sa kanya dahil gawain lang daw ito ng mga taong gusto siyang pabagsakin.
Matatandaang may nangyaring kumprontasyon diumano sa set ng Kidlat ng TV5 halos tatlong linggo na ang nakaraan sa pamamagitan niya at sa bida nitong si Derek Ramsay. A week ago, nasangkot naman daw diumano si Baron sa isang gulo sa Conspiracy Bar sa Visayas Avenue.
Matagal nang gustong marinig ng mga tao ang panig ni Baron pero nanahimik ito at nitong nakaraang Sunday, tumawag ito sa amin at nagbigay ng kanyang kuwento sa istorya.
Paglilinaw niya, “Wala namang problema sa Kidlat. Walang problema, puro tsismis lang ‘yan. I have no comment on that. I’m sorry.”
Kasunod naming nilinaw kung nagti-taping pa ba siya at kasama pa rin siya sa show. “Of course naman.” Dagdag pa niya, “We’ll nagdadasal ako na ganu’n pa rin ‘yung kuwento, kasi maganda ‘yung kuwento ng Kidlat. Ano ba ‘yung tsismis? Kasi hindi ko alam.”
Itinanong namin sa kanya kung totoo ba na three weeks ago ay la-sing diumano siya na pumunta sa set at may kinumpronta siyang isa sa mga cast member? “A, no comment ako diyan, kasi walang mga ganyan. No comment ako talaga diyan.”
Kasunod naming nilinaw sa kanya ang nangyari namang diumano’y gulo sa Conspicray Bar sa Visayas Avenue a week ago? “No comment din ako diyan. No comment din ako sa Conspiracy Bar. Marami lang talagang nanggugulo sa akin.
So, no comment, no comment. Tahimik na ako, okay lang ako, basta ako, trabaho lang ako.”
Binalikan ulit namin ang tungkol sa balitang diumano ay wala na siya sa . “Ah ganu’n, hindi eh, kasama pa rin ako sa Kidlat. Oo nga, kaya nga naguguluhan ako sa mga tao. Kasi ganu’n lang, siguro gusto nila akong pabagsakin. Hayaan mo na sila, dahil siguro sa karakter ko na masama (dun sa Kidlat) naiinis sila sa akin. Anyway, you know I’m praying that everything will be okay. Okay naman lahat, God is good.”
‘Yung komprontasyon nila ni Derek sa set diumano ay umabot pa nga raw ng taasan ng boses, anong masasabi niya? “I will not comment on that. No comment ako diyan, kasi walang mapupuntahan ‘yan eh. That’s very personal naman eh.”
Kinumusta na namin siya kung saan kaya niya planong mag-spend ng kanyang Holy Week. ‘Andito (ako ngayon) sa Batangas. Nandito ako nagpapahinga, nagri-retreat, ganyan. Kung hindi retreat, beach, beach-beach lang, parang happy- happy. No, I’m with my grilfriend.”
Ang aga mo namang magbakasayon? “Monday, trabaho, bukas.”
Muli rin niyang nilinaw na nasa Kidlat pa rin siya.
Sa huli, tinanong namin si Baron kung mahirap bang hindi siya tinatantanan ng intriga? “Eh, wala tayong magagawa, sanay na ako. ‘Yung pinakamasakit lang, ‘yung iniisip nilang sira-ulo ako.”
Balik na tanong namin kung may nagsabi na ba sa kanya nu’n? Ah, baka ‘yun siguro ang tingin sa akin ng tao.”
NOONG LUNES ng gabi ginanap ang awarding ceremonies ng 7th Asian Film Awards na ginanap sa Grand Hall ng Hong Kong Convention and Exhibition Center.
Out of the 14 categories, sa dalawa lamang ang pumasok ang entries ng Pilipinas, ito ay ang Best Actor at Best Actress categories kung saan nominado sina Eddie Garcia para sa Bwakaw at si Superstar Nora Aunor para naman sa Thy Womb.
Nagwagi si Eddie Garcia ng dalawang tropeo, una ay ang People’s Choice Best Actor award kung saan ito ay nagmula sa online voting at pangalawa ang Best Actor’s trophy para sa pelikulang dinirehe ni Jun Lana.
Hindi rin nagpahuli ang Superstar na si Nora Aunor dahil siya ang tinanghal na Best Actress. Personal na tinanggap ng dalawa ang kani-kanilang mga tropeo.
Matatandaang noong nakaraang taon, sa 6th Asian Film Awards ay nagwagi rin si Eugene Domingo ng People’s Choice Best Actress para sa pelikulang Ang Babae sa Septic Tank, samantalang Best Supporting Actress naman ang nakuhang tropeo ni Shamaine Buencamino para sa indie film na Niño.
Sure na ‘to
By Arniel Serato