GIVE ME A chance! Ito ang namutawi sa bibig ng isa sa cast ng pelikulang Kingpin: The Asiong Salonga Story, na isa sa entry sa 2011 Metro Manila Film Festival at isa sa maituturing na magaling na aktor sa bansa na si Baron Geisler sa mga taong umiintriga sa kanya.
Tsika ni Baron nang makausap namin sa ta-ping ng Jojo A All The Way, sana naman daw ay bigyan siya ng pagkakataong maipakita sa lahat na nagbago na siya at willing nang magtrabaho muli at tigilan na ang pang-iintriga sa kanya na kesyo hindi na siya magbabago.
Kaya nga raw siya nagpa-rehab ay para ituwid na niya ang kanyang pagkakamali at magbagong-buhay. Minsan daw kasi ay napipikon na rin siya sa sobra-sobrang batikos sa kanya.
Very thankful nga raw siya kay Gov. George Estregan Jr. at sa producer ng kanilang pelikula na si Ms. Maylyn Enriquez dahil binigyan siya ng pagkakataong makasama sa Asiong Salonga, at sana nga raw ay magkaroon na siya ulit ng teleserye nang sa ganu’n ay matupad na ang kanyang pangarap na maibili ng bahay ang kanyang pinakamamahal na ina.
MUKHANG MAGIGING BONGGA ang 2012 ng celebrity endorser ng Vantage Razor Double Blade na si Jericho Rosales dahil bukod sa pagdagsa ng endorsements nito, 6 ang pelikulang naka-takdang gawin sa Year of the Dragon.
Kuwento nito, 3 sa Regal Films at 3 sa Star Cinema ang pelikulang gagawin nito, early next year din magsisimula ang kanilang teleserye nina Piolo Pascual with Christopher De Leon na ayon kay Jericho at dream come true sa kanya.
Matagal-tagal na raw kasing gusto nitong makatrabaho si Piolo at kahit nga raw alam nitong posibleng maintriga silang dalawa at pagkumparahin kung sino ang mas mahusay na aktor, deadma lang daw dito si Echo, dahil ang mahalaga ay nakatrabaho niya si Piolo at bonus pa na kasama rin ang award-winning actor na si Christopher.
By next year din, lilibutin ni Echo ang ilang Asian countries na ipinalabas at sumikat ang Pangako Sa ‘Yo para gumawa ng proyekto roon. Sa ngayon daw ay trabaho ang focus nito at steady lang ang kanyang buhay-pag-ibig.
PANG-INTERNATIONAL AT talaga namang nakakatakot ang pinakabagong pelikula ng GMA Films, ang Obra Maestra ni Direk Yam Laranas na The Road na umani ng mga positibong feedback sa mga international critics at mapapanood na nationwide sa Nov. 30.
At sa dami ng pa-puring tinatanggap ng nasabing pelikula, ‘di malabong ipalabas din ito sa ibang bansa na siya namang gustong mangyari ng casts ng The Road. Tsika nga ni Alden Richards na mas maganda kung hindi lang sa Pilipinas at hindi lang mga Filipino ang makapanood nito , mas maganda raw na kahit ibang lahi ay mapanood ang The Road, dahil sobrang ganda raw ng kanilang pelikula na international ang dating.
Kuwento naman ni Lexi, kapag nanood daw ng The Road ay kaila-ngang may kasama, dahil mara-ming eksena raw ang talaga namang mapapalundag ka sa takot. Bukod kina Lexi at Alden, ka-join din sa said film sina Carmina Villaroel, Marvin Agustin, Ynna Asistio, Rhian Ramos, Barbie Forteza , Derrick Monasterio, Louise Delos Reyes, atbp.
MULA SA KANILANG matagum-pay na first concert at dahil na rin sa marami ang nagre-request na mapanood muli ang kanilang bonggang-bonggang performance, magkakaroon ng repeat ang kanilang “Wonder Gays, May Nag-Tweet… Hur Hur! Part 2” na gaganapin sa The Library Malate sa Nov. 30 at Dec. 1.
Kaya naman daw happy ang anim na very talented na sina Pink, Gray, White, Blue, Green at Black dahil umaariba na rin ang kanilang career at parating pinatutugtog sa radio at maging sa telebisyon ang kanilang hit song na “Blind Item”.
Magiging espsesyal na panauhin ng Wonder Gays sina Raia Quiroz, Polo Ravales, Milagring, Luningning, Mariposa, Rowell Quizon, Jeanette Joaquin, Blanktape, The Man na kinabibilangan nina Dennis Coronel at Alvin Fortuna, Frank Gracia at Aaron Villena.
John’s Point
by John Fontanilla