NAKAKATUWA NAMANG malaman na kahit hindi visible si Baron Geisler masyado sa telebisyon ay napaka-active naman ng kanyang movie projects. Imagine, pitong pelikula ang gagawin ni Baron sa taong ito at isa nga rito ay ang Pridyider, kung saan kahit supporting role lang siya kina Andi Eigenmann at JM de Guzman ay wala naman daw itong problema sa kanya. Katunayan noong presscon nga ng movie ay maagang dumating si Baron sa Mezzanine ng Imperial Palace Suites.
Kuwento niya sa amin, “Supporting role lang naman ako rito, isa akong agent na nasa… parang nagtatrabaho sa Hollywood.
“In love na in love sa character ni Andi. Dating nagtatrabaho sa akin si Andi Eigenmann. Pi-
nipilit ko siyang bumalik sa Amerika pero ayaw niya. Ayaw niya sa akin, pinipilit ko pa rin. Binista ko siya sa Manila, at kinulit-kulit ko siya.”
Sa patuloy na pakikipagkuwentuhan namin sa award-winning actor, nailahad nito na naka-concentrate siya sa paggawa ng pelikula sa ngayon. As in pitong pelikula raw ang nakalinya niyang gawin kasama na rito ang Pridyider.
Saad pa niya, “Actually I’m doing seven movies, including ito. Ito ‘yung isa sa pinakaunang ginawa ko ngayong taon.
“You know what I’m so blessed, na kahit wala munang TV (show) at least sa movies muna magko-concentrate.
Dagdag pa nito, “Sa totoo lang masarap talagang gumawa ng pelikula dahil kumbaga makaka-focus ka talaga sa characters mo.
“Ah, ang kagandahan lang kasi sa TV, mas may pera kasi sa TV, nami-miss ko. Although may kumausap na sa amin ni Boss Arnold (Vegafria), manager ko, so eventually I’m gonna do a soap opera very, very soon.”
Isa sa mga nakalinya sa kanya ay ang pelikulang Lihis ng Regal Films din, kaso hindi pa raw sila nagsimulang mag-shooting.
Aniya, “Hindi pa, pero nag-start na ako for ‘El Presidente’ (ni Governor ER Ejercito, Cesar Montano at Superstar Nora Aunor), I’m really excited to do all these movies dahil talagang mga dream project ‘to, eh… ‘yung mga karak-
ter na ginampanan ko.”
Bukod pa sa El Presidente, ginagawa rin sa kasalukuyan ni Baron ang isa pang movie with award-winning director Brillante Mendoza, ang Sapi kasama sina Dennis Trillo, Kristoffer King at Meryll Soriano.
Dugtong pa niya, “Bale naka-ten days na ako, naka-two weeks na kami sa ‘Sapi’. I have two more shooting days with Direk Brillante and it was such an amazing experience working with Direk Brillante kasi kakaiba siyang magtrahabo, eh.”
Pagmamalaki naman ni Baron sa isa pa niyang movie, “I have Pedro Calungsod with JM de Guzman, and I have Lihis, other projects sa Regal din, so I’m very grateful kina Mother Lily (Monteverde) and kina Miss Roselle (Monteverde-Teo) dahil kumbaga sinubukan lang nila ako dito, eh. And thank God, maganda naman ‘yung feedback.
“And kinausap nila ako nu’ng birthday ni Mother Lily, sabi nila ‘you have two more movies na kasama ka’… ah okie.”
Sure na ‘to
By Arniel Serato