NAKIUSAP ang aktor na si Baron Geisler sa mga netizens na na huwag i-bash si Liza Soberano sa naging comment nito sa movie poster ng pelikulang Tililing kung saan isa siya sa mga bida.
Matatandaang pinag-usapan nang husto sa social media ang post ni Liza kung saan hindi nagustuhan ng dalaga ang poster ng pelikulang idinirek ni Darryl Yap.
“Please Don’t bash Liza. Please be kind. Sometimes we get overprotective with our advocacies. She did not mean to look down on the poster,” pakiusap ni Baron sa mga namba-bash kay Liza.
Dagdag pa ng aktor, “I believe she meant well folks. Please be kind. Masakit ma bash naranasan natin lahat Yan one way or another.”
Pinasalamatan naman ni Liza si Baron sa sinabi nito at humingi na rin ng paumanhin kung sakali mang may na-offend siya sa kanyang naging statement.
“Thank you kuya Baron for the kind words and sorry if I have offended anyone. I’m afraid my intentions were misinterpreted. I always want the best for films that tap into mental health, so I wish this film all the best. Looking forward to seeing it,” lahad ni Liza.
Samantala, iginiit naman ng mga netizens na hindi kailangang mag-apologize ni Liza sa kanyang naging reaksyon sa naturang movie poster ng Tililing.