Kaagad na nagbigay ng reaksyon si Baron Geisler sa sanction na ipinataw sa kanya ng grupo ng Professional Artists’ Managers, Inc. (PAMI) na bawal siyang makatrabaho ng mga artistang mina-manage nila.
“I’m willing to wait. Magpapaganda lang ako ng katawan. Ipakikita ko sa kanila na…” bitin niyang pahayag.
Sabay kambyo ng aktor ng, “‘Yon lang, it’s hard to promise, eh. Kumbaga sa timba, napuno na rin ‘yung timba, eh. Ang dami nang promises. Ngunit ang ikinakagalit ko lang, sana may sumalo ro’n sa timba na sinasabi ko. Pero ina-acknowledge ko, nagkaroon ng misunderstanding. But let’s see.
“PAMI, I am sorry. If you do not want me to work with your co-actors or stars, I will understand. I will move on. But sana po, alamin n’yo rin talaga ang katotohanan,” dire-diretso niyang pahayag.
Muli namang nag-apologize si Baron kay Ping Medina at sa direktor na si Arlyn dela Cruz.
“I am sorry kay Ping. I am sorry rin kay Miss Arlyn. Gaya ng sinabi ko, uulitin ko, it’s a big misunderstanding. So, I think lilipas din po ito. I think and I believe na magkakaayos kami ni Ping eventually at ni Miss Arlyn. Ayoko na po ng drama sa buhay ko dahil marami na,” Baron said, mentioning his mother who is in the hospital.
“I will not dodge the bullet, I will face it. But for now, I have to do what I have to do for my family. Not only that also, sa ‘Beastmode’ na pelikula namin. If I have somehow hurt anyone na sa tingin nilang hurt, I’m really sorry,” sabi pa niya.
La Boka
by Leo Bukas