DUMAYO KAMI SA Pagsanjan, Laguna para kapanayamin si Baron Geisler na kasalukuyang nagsu-shooting para sa pelikulang Asiong Salonga ni Laguna Go-vernor E.R. Ejercito. Masayang ikinuwento sa amin ni Gov. E.R. na pinayagan ng rehab si Baron na lumabas sa kanyang pelikula dahil naniniwala siyang maga-ling na aktor ang huli.
Maaliwalas ang mukha ni Baron, wala na ‘yung parang puyat na may parang eyebags pang malalaki noong huli namin siyang makausap sa presscon bago siya pumasok ng rehab. Tatlong buwan lang dapat ang kanyang pamamalagi sa rehab pero pinili niyang manatili nang tatlo pang buwan upang lubus-lubos na ang kanyang ‘pagbabago’ sa sarili.
“Yeah, bale on the 29th, fourth month ko na. ‘Yung mga natutunan ko sa loob sobrang dami. Everyday, meron kaming morning devotions, lessons, Bible study, spiritual and moral inventory, so sa sobrang dami mahirap ikuwento yung sobrang daming learning’s. Sa labas, wala akong ina-apply before eh, ina-apply ko ‘yung sarili kong diskarte, ‘yung sarili kong bugso. Eh, talo tayo du’n eh, talo ako du’n. But now I depend mostly on ano, God my higher power and ‘yun ang isa sa mga tinuturo sa amin du’n, magkaroon ng higher power na sasandalan mo at hihingan ng kalakasan.
“Pina-extend ko dahil 3 months is not enough, actually even 6 months is not enough and ayokong maging half-baked, eh. Kumbaga, 3 months hindi pa ko luto nu’n eh, hindi pa ko lutong-luto sa mga natutunan ko sa mga programa, so I decided to stay and learn some more and discover a lot of things pa about myself, about my mistakes, about the blessings na I took for granted, so ‘yun.”
Tinanong din namin siya sa pangako niyang magbabalik siyang ibang Baron, hindi na ‘yung tinawag dating Baron-bado kundi Baron-bago?
“I really don’t know how to answer that question it’s a really tough question. Kasi it’s for you the people to see it eh, it’s hard to claim that I’m a better person or I’m a changed man but hopefully will see it in my actions, in my sincerity, eventually maniwala sila na hindi na ko katulad nu’ng dati na Baron-bado, ngayon Baron-bago.”
Bago naman daw siya matulog, marami siyang mga iniisip,’ yung mga bagay na pinagsisihan na niya.
“Meron kami ngayong tinatawag na making amends kasama po ‘yun sa 12 steps. So nandu’n kami ngayon, gagawa kami ng mga list sa mga taong nasaktan namin and then in order, kasama sa healing process ‘yung pa’no mo sila lapitan at humingi ka ng tawad and you’re not expecting in return na they forgive you or pansinin ka and you do it sincerely it’s for my own benefit din, eh. To apologize for whatever wrong doings to what I did to this or that.”
Isa marahil sa nagbunsod sa kanya upang pumasok na sa rehab ay ang insidenteng ‘nabastos’ daw niya ang magaling na aktres na si Cherry Pie Picache. Pero ayon sa kanya, hindi pa raw siya nakagawa ng paraan para makausap ito at makahingi ng dispensa. Pero may mensahe naman siyang ipinaabot sa aktres.
“Sana ano, naka-move on na rin si Ms. Pie. I think I heard she’s happy with me na pumasok nga ako sa rehab, so I want to thank her, isa rin siya sa ginamit ng Diyos para matuloy talaga ako sa rehab. So I really wanna thank her for what happened and I still do apologize to her, with whatever I had done, kung na-offend siya sa nangyari. I hope someday magkita kami, we cross paths and ‘yun nga I get to talk to her.”
Follow me on Twitter, @ar-nielcserato; Tutok lagi sa Juicy, daily (10 am), TV5; Paparazzi, Sundays, 3 PM, TV5; at sa Cristy Ferminute, daily, 4 to 5:45 PM, Radyo Singko, 92.3 newsFM at Aksyon TV Channel 41.
Sure na ‘to
By Arniel Serato