NAGBABALIK sa programang Wish Ko Lang ang Kapuso leading man at tinaguriang ‘Pambansang Bae’ na si Alden Richards. Time out muna ang binata sa pagpapakilig at pagpapakyut dahil isang katangi-tanging pagganap ang matutunghayan ninyo ngayong Sabado (July 1).
Gagampanan ni Alden Richards ang buhay ni Dr. Dalvie Casilang, isang kilalang Barrio Doctor na originally from Pangasinan pero nakabase ngayon sa Nagbukel, Ilocos Sur. Sa sobrang pagmamahal ng mga tao sa kanya ay nakaabot sa Kapuso network ang katangi-tanging dedikasyon ng binatang doctor, na sa totoo lang ay maraming mga ospital ang nagkakandarapang kunin ang serbisyo niya (he graduated Cum Laude from UP). Mas pinili nito na dayuhin ang mga kababayan natin sa mga barrio na mas nangangailangan ng tulong kahit pa maliit lang ang kita rito.
You have all the opportunities to work abroad or in higher-paying medical establishments. Bakit mas pinili mong maging Barrio Doctor?
“Nang mag-graduate ako ng cum laude with four scholarships po, I felt very blessed. As in. Sabi ko, God did not give me these gifts and opportunities because I am deserving. He could’ve given these gifts and opportunities to someone else but He chose to give it to me because I have a purpose to fulfill.
“So ito na nga ang purpose ko: To serve the Filipino people to whom I owe the gift of my education. If not for these four scholarships, if not for the taxes ng mga Pilipino; hindi ako nakapagtapos ng pag-aaral ko. Hindi ako naging doctor ngayon. It’s payback time!” sambit ni Doc Dalvie.
Nang tanungin ko naman kung ano ang pakiramdam niya na sa dami ng Kapuso actors ay talagang si Alden Richards pa ang gaganap sa kanyang interesting story, ito ang nakakatuwang sagot niya:
“Surreal! I made a tweet about him last 2012. Nahanap ng AlDub Nation iyong tweet. I said last 2012 na he will be a big star years from now. A real big star. And look at him now! I’ve been a fan of Alden and Maine since Day 1. Sobrang hindi ako makapaniwala na ang sinusubaybayan kong aktor na magsucceed ang mag-portray sa character ko.”
Panoorin natin ang inspiring story ni Doc Dalvie Casilang ngayong Sabado ng hapon pagkatapos ng Eat Bulaga at Tadhana. Excited na rin kami na mapanood muli sa drama si Alden Richards dahil mas lalong lumalakas ang appeal nito kapag serious roles ang kanyang ginagampanan. Nood tayo!
Showbiz Blogster
by Mica Rodriguez