0946-651xxxx – Magandang araw po, Idol Raffy! I-report ko lang sana sa inyo kung puwedeng makalampag ang may-ari ng Commuters Bus Corp. na biyaheng Navotas – Baclaran na may plate no. TXE 792. Nanginig po sa takot ang kapatid kong babae at nagkabukol sa ulo dahil may nakaaway ang driver nito na kapwa bus driver din at nakipagsagian at nakipaggitgitan kahit may mga sakay na pasahero. Muntik pa raw pong malalag ang kapatid ko sa bintana. Sana maturuan ng leksyon ang mga ganu’ng klaseng driver.
0905-483xxxx – Boss Raffy, dapat ang mga MMDA na nanghuhuli ng smoke belching d’yan sa may Magallanes ay alisin na lang. Kasi gumagawa lang sila ng pera at kapag ‘di ka pumasa sa smoke belching, tatanggalin ang plaka mo at sasabihin sa ‘yong P1,500 ang tubos sa opisina nila, kung ‘di na tanggalin ang plaka P1,000 ang hihingin sa ‘yo para raw ‘di ka na maabala pa. Kasi ‘pag ‘di raw pumasa sa opisina nila, panibagong P1,500 bale P3,000 lahat. Dapat tuluyan nang alisin iyan sa MMDA. Pera-pera lang ang gusto nila. Dapat makarating ito kay Chairman Tolentino para maaksyunan niya ang mga tauhan niyang mga buwakang buwaya d’yan sa smoke belching.
0917-242xxxx – Sir Raffy, irereklamo ko lang po sana iyong mga iligal na nangyayari po rito sa may Edsa Pasay Rotonda dahil talamak na po ang pandurukot. Sa gabi po bumabanat ang mga kawatan sa oras ng uwian ng mga galing sa trabaho. Binubuksan po nila ang mga bag, usually iyong mga may backpack ang binibiktima nila. Balita ko po, alaga ng pulis na sumasakop sa Pasay Rotonda. Paki aksyunan naman po sana.
0906-940xxxx – Good day, Idol! Sana magsagawa po kayo ng raid dito sa Gulod, Novaliches, San Martin Street malapit sa ilog. Mayroong compound dito na talamak sa bentahan ng Shabu at nagpa-pot session ang mga adik. Grabe na rin po ang nakawan dito. Ang pinupuntirya ang mga nangu-ngupahan. Sana mahuli na po ninyo sila. Hindi na po ligtas ang lugar na ito lalo na sa gabi. Wala ring magawa ang mga taga-barangay kahit alam naman nila na maraming nagpapa-blotter ng nakawan dito at kahit isa wala silang nahuhuli. Sana matugunan po ninyo agad ito.
0906-426xxxx – Good day, Boss Raffy! Gusto ko po sanang maipaabot kay DOTC Sec. Abaya, sa pamamagitan ninyo, ang contract of service employee ng LRTA ay walang natatanggap na mga benepisyo tulad ng GSIS o SSS at PhilHealth kaya kawawa sila kapag nagkasakit. Walang emergency o sick leave. Pinapapasok sila during holiday nang ‘di man lang double pay at walang overtime. Ganoon po ba talaga ang patakaran nila? Sana po ay mapaliwanagan po sila.
0939-575xxxx – Sir Raffy, irereklamo ko lang po dito sa amin sa Looc, Nasugbu, Batangas iyong eskuwelahan, kasi po naniningil ng pambayad ng TV P100, electric fan P100, DVD P100 saka kuryente P60. Pati na rin po durabox P100 at dagdag pa ang PTA P60. Nire-require din po kami na magbigay every week ng sabon at ‘pag ‘di raw po makumpleto maibigay, ‘di raw po pipirmahan ang clearance ng mga estudyante. Matagal na po itong ginagawa ng mga teacher dito sa amin.
ANG INYONG lingkod ay napakikinggan sa programang WANTED SA RADYO sa 92.3FM, Radyo5, Lunes hanggang Biyernes, 2:00 – 4:00pm. Ito’y kasabay na mapapanood sa AksyonTV Channel 41. Para sa inyong sumbong o reklamo, mag-text sa 0917-7WANTED.
Shooting Range
Raffy Tulfo