MADALAS MAPABALITA ang tinatawag na “contract substitution” o ang pagbago sa kontrata kaiba sa orihinal nito. Halimbawa, sa kontrata rito, ang dapat sahurin ng isang OFW ay $600 pero pagdating sa abroad ay nagiging $300. Para makasiguro, dumiretso ako sa POEA para i-check kung lisensiyado ang ahensiya na pinag-aplayan ko. Okey naman kaya’t binalikan ko ang ahensiya para isagawa ang mga dokumento. Ano naman po ba ang mga papeles na hawak ng ahensiya na maaari kong hilinging mabasa?—Leody ng Tuao, Cagayan
MAYROONG MASTER Employment Contract na maaari mong pagbasehan para hilingin ang rekord mo tungkol sa mga katungkulan o job description mo. Tungkulin ng ahensiya na bigyan ka ng kopya ng kontrata. Ito ang pinaka importanteng dokumento.
Para naman sa mga marino o seafarer, kailangan ang mga sumusunod: (1) pangalan, katungkulan at suweldo ng marino; (2) tatlong kopya ng kontrata; (3) information sheet; (4) Seafarer’s Identification and Record Book; (5) Registration Certificate ng marino; at (6) iba pang dokumento na maaaring hingin ng POEA.
Ang processing fee ay binabayaran sa POEA pagkatapos ng rehistro.
Ang manggagawa na na-recruit ng isang ahensiya ay dapat paalisin sa loob ng 60 araw matapos itong mabigyan ng overseas employment certificate. Ganito ang dapat mangyari, land-based man o sea-based ang worker.
LIBRENG PAYO! I-TEXT N’YO AT SASAGUTIN KO! PM <space> saklolaw <space> ang inyong katanungan at i-send sa 2948 (for Globe, Smart and Sun users). E-mail: [email protected].
Ayuda sa OFW
By Ome Candazo