MATINDI ANG mga judges ng Protégé: The Battle for The Big Artista Break ng GMA-7 na kinabibilangan nina Joey de Leon, Bert de Leon, Cherie Gil and Annette Gozon-Abrogar compared sa ibang network. Bukod dito, puro veteran actors ang mentors ng Top 20 aspirants na sina Phillip Salvador, Ricky Davao, Gina Alajar, Roderick Paulate and Jolina Magdangal.
Tinanong namin si Joey kung ano ang pagkakaiba ng Protégé sa artista search ng ibang network? “Honestly, walang pagkakaiba ‘yan. Iba lang ang set of judges. Iba ang pamantayan nila rito. Iba ‘yung mga veterans actor, iba na agad siya. Iba siya dahil hindi sila may mentors na may veteran actors, iba na agad. Ako, iba na agad sa co-judge ko so, iba na agad ‘yun,” paliwanag ng comedian, TV host, songwriter.
Ayon kay Joey, ang hinahanap nilang artista ay ‘yung kumpleto sa rekado. “‘Yung kahit saan mo ilagay, puwede (drama, comedy, action). Ngayon kasi lumawak na. Noong araw, ang artista, acting lang at paminsan-minsan, kumakanta sa ilalim ng puno. Ngayon kailangan, lahat alam mo. Marunong kang kumanta. Marunong kang mag-support. Ma-runong kang mag-lead, lahat. ‘Yun ang hinahanap dito sa show namin. At saka, kung hindi ka manalo rito, hindi ibig sabihin the end na kaya nga nauso ang part 2 sa pelikula. Hindi ka man palarin ngayon, baka nasa part 2 ka. A great deal of that is ‘yung karisma at talent,” dugtong pa ng magaling na komedyante.
Sa isang tulad ni Joey de Leon na malawak na ang experience sa pagdi-discover ng new talent. Nakikita agad niya kung ang isang baguhan ay may ‘eat’ sa paningin ng comedian/TVhost. “Oo naman, lalabas at lalabas ‘yan. Alam na ninyo ang ibig kong sabihin, lilitaw at lilinaw ‘yun. Mayroon namang hindi magwawagi d’yan dahil hindi nakisama ang tadhana. Mayroong in-waiting na tinatawag, hindi ka ngayon mananalo pero sa katagalan dahil sa experience na nakuha niya sa pagsali rito sa Protégé, mas malaking puhunan sa darating na panahon,” pahayag ni Joey.
NAKAUSAP DIN namin si Maxene Magalona bilang Protégé Web Jock. Super ini-enjoy ng dalaga ang pagi-ging parte niya sa nasabing artista search. Ini-interview at kinukunan ng video ang top 20 aspirants who will go head-to-head in the weekly elimination night and outdo each other in hoping of winning over the judges and viewers votes. “It’s fun talaga, ang daming cute sa guys pero dalawa sa kanila ang favorite ko at isa sa girl. Hindi puwedeng sabihin kung sino sa kanila,” say ng dalaga na blooming nang gabing ‘yun.
In love kaya si Maxene ngayon kaya’t nakikita sa kanyang aura na masaya’t maligaya ang dalaga? “Ini-enjoy ko lang ang pagiging single. Wala akong boyfriend nga-yon. ‘Yung last relationship ko 6 months. Talagang ganu’n darating kayo sa point na hindi na ninyo gusto ang isa’t isa so, kailangan na ninyong maghiwalay. Sa bawat relationship mayroon kang natututuhan vice versa. Pa-date-date lang ako, enjoy dahil walang nagbabawal. You have to enjoy life, minsan lang tayo magiging bata, so might as well enjoy it!”
Kuwela, napaka-straight forward kausap ni Maxene, walang arte sa katawan at napaka-down-to-earth. Ma-ging sa kanyang manliligaw, wala ring kiyeme if ever type niya ang lalaki. “Bakit kailangan pahirapan pa kung magkasundo kayo sa mara-ming bagay at ini-enjoy mo ang company niya. If ever type ko ang isang guy, go, go, go… huwag nang mag-inarte, ‘di ba? I’m 26 na so, nasa right age na rin naman ako kung sino ang magugustuhan ko,” sambit niya.
Ikinuwento rin ni Maxene ang mga magaganap sa Protégé. Ang mga behind the scenes ng Top 20 aspirants ay hindi natin mapapanood sa TV kung hindi sa website. It’s so interesting dahil iba’t ibang drama, challenges ang ating masasaksihan sa bagong grandest artista search this year as five celebrity mentors are tapped to train and educate the Top 20 protégés in every rehearsal, workshop and training.
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield