WALA PA PONG anim na buwan at bago pa man matapos ang aking kontrata sa ibang bansa ay tinanggal na ako ng aking employer kahit walang pasabi na tatanggalin ako. Nang magreklamo ako, pinayuhan ako ng aking ahensiya na huwag na lang akong magkaso dahil kapag daw nasa abroad na ang OFW, hindi na aplikable ang batas ng Pilipinas. Totoo po ba ‘yun? —Jeremy ng Pasay City
KUNG WALANG BATAS sa ibang bansa na maaaring gamitin sa pag-alam kung legal o illegal ang pagtanggal sa isang manggagawa, ang ating Labor Code ang ating paiiralin. May dalawang importanteng bagay na dapat ay ipinapatupad sa pagtanggal sa worker: (1) ang notice o paunawa sa manggagawa at (2) hearing o pagdinig.
Ayon sa Supreme Court, ang ating Konstitusyon at Labor Code ay umiiral pa rin sa mga OFW sila man ay nasa Pilipinas o wala.
Matatandaan na bago umalis ang isang Pinoy, kailangan munang aprubahan ng POEA ang kanyang kontrata. Samakatuwid, ito ay pinirmahan dito sa Pilipinas. Kung saan pinirmahan ang isang kontrata, ang batas doon ang masusunod.
Ano naman ang parusa sa employer na hindi nagsagawa ng notice at hearing? Ang employer ay magbabayad sa manggagawa ng damages o danyos.
LIBRENG PAYO! I-TEXT N’YO AT SASAGUTIN KO! PM <space> saklolaw <space> ang inyong katanungan at i-send sa 2948 (for Globe, Smart and Sun users) E-mail: [email protected]
Ayuda sa OFW
By Ome Candazo