ANG RIVALRY dati sa UAAP Cheerdance na UP Maroons at UST Tigers ay tila parang mala-rivalry rin pagdating sa basketball noong September 13, kung saan ay tinutukan, inabangan ang tumitindig, at sumusulong na kaganapan sa UAAP Season 78.
Para sa season na ito, talagang unpredictable, dahil expect the unexpected talaga sa maraming kaganapan tulad ng winning streak ng UP na ikinagulat ng iba na ang dating last sa ranking noong huling season ay humahataw para sa basketball ng season na ito, at pati ang mga kaganapan sa defending champion, NU na sa standing ngayon ay 0-2 pa sila. Pero simula pa lang naman at marami pang puwedeng magbago, round 1 pa nga lang naman at bilog ang bola, marami pa ang puwedeng mangyari o mabago sa season na ito.
Tinutukan ang laban ng UP Maroons versus UST Tigers dahil ang parehong nasabing team ay tie sa standing sa ngayon sa 2-0; 2 panalo, at wala pang talo. At noong laban nilang iyon, isa nga sa kanila ang magkakaroon na ng unang talo at ang isa naman ay maaaring tuluy-tuloy pa rin ang winning streak nila, tila itong labang ito ay batlle for the solo first talaga.
Nananatiling unbeatable ang UST Tigers matapos nilang manalo kontra UP Maroons at dahil dito ay naputol na ang winning streak ng UP. Pero ang UST ay unbeatable pa rin hanggang sa magtapos ang round 1. Mapanatili kaya ito ng UST? At sa round 2 naman, ihanda na natin ang ating mga sarili at tumindig pa lalo ang depensa dahil babawi’t babawi ang mga team sa kanilang mga talo na naitala nu’ng 1st round.
1st quarter ng game ng UP vs UST ay lamang ang UST ng 6 points at nagtapos ang quarter na ito sa score na 10-4 at sa second quarter naman ay lamang pa rin ang UST at nagtapos ang quarter sa score na 21-15. Pagpasok ng third quarter ay uminit pa lalo ang labanan, humabol ang UP ngunit napanatili ng UST ang depensa at tila dikit ang laban ng UP Maroons at UST Tigers sa score na 42-40 in favor of UST. Pagpasok naman ng 4th quarter ay kinakabahan na ang crowd kung sino ang magwawagi para sa game na ito at nang matapos ang quarter na ito ay nagwagi ang UST kontra UP sa score na 67-59.
Napakaganda ng laban na ipinakita nila, ang UP at UST. Sa ngayon ay wala pa ring talo ang UST at sila ang nakakuha ng solo first sa standing na mayroong 3-0, sumunod ang UP at FEU na 2-1 matapos manalo kontra DLSU at sumunod ang UE, Ateneo na 1-1 at and DLSU na 1-2 at still looking for their first win and Adamson at ang defending champion, NU.
Bilog nga ang bola at marami pa ang puwedeng mangyari para sa season na ito, maaaring mabago pa ang standing, o iba-iba pang puwedeng kaganapan dahil sa Season na ito ng UAAP ay talagang tumindig at sumulong ang iba’t ibang team. Tila lahat ay nag-improve, mas gumaling pa para mapabilang sa Final 4 upang lumaban para sa semis at makapasok sa finals. Kaya abangan pa natin ang patuloy na labanan sa basketball sa UAAP Season 78.
Usapang Bagets
By Ralph Tulfo