NAKAKATUWA na halos every week ay may mga lumalabas na Pinoy film na puwedeng i-enjoy hindi lang ng mga mahilig mangarir ng mga indie film festivals kundi maging sa mainstream market. Nakahanap na muli ng rason ang masang Pinoy na magtabi ng pangsine para suportahan ang kanilang paboritong artista.
Wala pa mang MMFF na yearly bakbakan ng mga big studios pero heto at dalawa sa pinakamagaganda at talented na female actresses natin ang nakatakdang magbakbakan sa takilya come November 14.
Alessandra de Rossi is back in the big screen with the film ‘Through Night and Day’. Kung last year ay super box-office hit ang Kita Kita nila ni Empoy Marquez na shinoot sa Japan at successful din naman ang drama-romance film na ’12’ which she herself wrote and starred in with newbie Ivan Padilla, this time naman ay si Paolo Contis ang makakasama niya. Tumatatak sa mga nanood ng sexy comedy film na ‘One Night Only’ ang riot na tambalan nila ten years ago kaya nakakaaliw na may bago silang project na sa kanila talaga naka-sentro. Matagal-tagal na rin natin hindi napapanood sa big screen si Paolo Contis. Another bongga factor? Sa Iceland lang naman kinunan ang pelikula! Isa si Alessandra sa producers ng pelikula with the help of OctoArts Films and Viva Films.
On the other hand, we also have Rhian Ramos who is set to star in the drama-romance ‘Kung Paano Siya Nawala’ with Kapamilya actor JM de Guzman. Masasabi na unexpected ang tambalang ito dahil unang-una, magkaiba sila ng TV network na pinagsisilbihan. Second, wala rin kami naririnig na common friends nila. Ang good sa collaboration nina Rhian Ramos at JM de Guzman ay pareho silang co-producers ng movie with the help of TBA Studios and Arkeo Films.
Mukhang nauuso na ngayon ang mga artistang nagpoproduce ng kanilang movies, huh? Ganyan din naman sa ibang bansa. Kung minsan talaga, ang mga artista ay may mga projects and concepts na gustong gawin pero hindi sila nabibigyan ng platform to do it. Bakit nga ba naman hindi na lang magproduce ng sarili mong movie kung kaya mo naman, ‘di ba?
Kahit na mukhang pinasasabong namin sina Alex at Rhian dito, ang wish namin ay suportahan ng mga moviegoers ang pelikula nila. Nakakabilib ang mga artista na hindi lang basta ‘puppet’ ng big studios, huh!