PATOK ANG tambalang Piolo Pascual at Cristine Reyes sa mga manonood kaya marami ang sumusubaybay sa kanilang “forbidden” love story sa primetime teleserye na Dahil sa Pag-Ibig. In the series, Piolo plays Father Alfredo Valderama (Osorio), the adoptive son of Leo and Cindy, who fell in love with their only daughter Jasmin (Cristine).
Their bittersweet romance reminds me of The Thorn Birds, a 1977 best-selling novel by Colleen McCullough, which was adapted as a television mini-series starring Richard Chamberlain and Rachel Ward in 1983. Sa kuwentong ito, ang guwapong Irish Catholic priest na si Father Ralph de Bricassart ay ang object of desire and affection ng lead character na si Meghann “Meggie” Cleary.
Ayon sa artikulo ni Bernie Franco sa Push.com.ph, naging close sina Piolo at Cristine dahil sa kanilang top-rating series kaya pangarap ni Cristine na si Piolo naman ang kanyang maging leading man sa susunod niyang pelikula.
She only has good words about him. “Gusto ko siya kasi parang ang sweet niya. Kunwari wala naman sa eksena tapos kakausapin niya ako. Basta minsan parang kikiligin ka sa kanya ‘pag may ibang ginagawa na hindi siguro niya alam na nakaka-kilig.”
Dahil sa kanilang teleserye ay nagkaroon si Cristine ng pagkakataon na makilala nang husto kung sino talaga si Piolo. “Nakilala ko lang siya ngayon and doon ko na-discover [na] iyon pala iyong Piolo na nakikita ng ibang tao, kasi ngayon ko lang siya nakatrabaho.”
Umaarangkada ngayon ang showbiz career ni Cristine. Tumabo sa takilya ang kanyang pelikulang No Other Woman with Anne Curtis and Derek Ramsay noong isang taon. “Nagkaroon ako ng dream na sana magkaroon ng movie pero hindi ko na-imagine in my wildest dreams na magkaroon ng blockbuster movie, so it’s a blessing for me. Hindi ko na-imagine na aabot ako sa ganito kasi ambisyon lang siya until nagtuluy-tuloy na, so thankful na ako.”
Cristine was recently hailed as one of the Box-Office Queens (together with Anne) at the 43rd Box-Office Entertainment Awards of the Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation (GMMSF).
Kaibigan, usap tayo muli!
Kaibigan, usap tayo muli!
Points of Boy
by Boy Abunda